“Oh may reklamo ka ba Sonia?.” Masungit na tanong ni Tita Arleta sa aking ina. Nasa likod ng matandang babae ang dalawang lalaki na mahal ko, si Creed at Zyjan. Nakataas pa ang isang kilay ng aking tiyahin at taas noo na ginaya para maupo sa upuan na kahoy sa tabi ko ang dalawang lalaki. Tumayo naman ako at humalik sa pisngi ni tita at nagmano sa matandang babae. Hinalikan din ng dalawang lalaki ang noo ko sabay naupo na muli sa tabi ko. “Wala naman akong problema ate, nagtanda na ako sa mga nangyari.” Sabi ng aking ina sa aking tiyahin. Naupo sa hanay namin si nanay at muling nagsalita. “Dapat pumagitna ako sa hindi pagkakaunawaan ng mag-ama ko, pero ang dating, kumampi ako sa isa. Hindi ko nagampanan ang pagiging ilaw ng tahanan sa naging kilos ko. Aminado ako na nabigla din ako s

