“Creeeeeeeed!!!.” Malakas na sigaw ang nagpa-gising sa akin. Tinaktak ko ang aking tenga saka hinarap ang babae. “Bakit ba ang ingay mo baby inaantok pa ako, alam mo ba na hindi ako, kami nakatulog ng maayos ni Zy kakaisip saan ka hahanapin?. Kung sino-sino na din ang tinawagan ko. Mabuti at kilala ka ng assistant ni Mr.Smith, kilala din niya ang mga kaibigan mo.” “Punyemas si Janese! Sya ang assistant ni Mr.Smith na dating boss namin. Lagot sa akin ang babae na yun! Pero, teka! Bakit mo ba ako tinali Creed?.” Tanong sa akin ni L na nginisian ko lang. Sabay tayo at naglalakad, tinungo ko ang aking drawer at hinila ang isang lagayan. Dinampot ko ang malaking gunting at tumayo ako sa harap ng babae. “Ce—Creed nakakatakot ang ngisi mo ha. A—nong plano mo?.” Kinakabahan na tanong ng

