“Nay, dumating na ba si Gino?.” Tanong ko sa aking ina na umiling lang habang nagpi-prito ng kamote-que. Lumabas ako ng bahay at naglakad, ako na lang ang bibili ng spaghetti. Nagtatakam ako kagabi pa. “Ay oo, masarap ang tindero tingnan.” Nakasimangot ako ng marinig ang sinabi ng isang babae sa kanyang kausap. May hawak ang babae na styro na mukhang doon nakalagay ang pagkain na binili. Ilang hakbang pa ay nakita ko na ang kumpulan ng mga kababaihan. “Teka lang mga ate, may pila po tayo.” Napalingon ako at hinanap ko ang nagsalita dahil boses ni Gino ang narinig ko. Nakita ko naman kaagad ang aking kapatid malapit sa unahan. Nakapila pala! Ayos ang negosyo ng kapitbahay namin ha. Dinudumog talaga. “Zy, kanina pa kami dito patikim naman kami ng mahaba at mataba mong Shanghai.”

