“Good evening everyone! Gusto ko lang magpasalamat sa mga tao na dumalo sa simpleng selebrasyon ng aking step-mother na si baby, Lady Mae Nuñez Montejo na asawa ng aking ama na si Creed Montejo. And, Yes! Tama kayo ng narinig, baby ang tawag ko sa kanya dahil kasing edad ko lang naman siya, hello! New gen na po tayo.” Masayang sabi ni Zy habang nakatayo sa harapan. Ang mga bisita naman ay halatang aliw na aliw sa lalaki na nagsasalita sa harapan. Pero mula sa kinauupuan namin, pareho kami ni Creed nagkatinginan dahil sa sinabi ni Zy na step-mother daw niya ako?. Kung paano nangyari? Hindi ko din alam at wala akong ideya. “Nakikita ba ninyo ang hawak ko na papel?” Dagdag na sabi pa ni Zy habang winawagayway ang mga papel sa kanyang kamay. Dalawa po ito, ang una ay ang result na nagsasa

