“Zy, ang likot ng kamay mo.” “Namimiss na kasi kita baby.” Sabi ng lalaki sa akin na hindi ko na inimikan pa. Si Creed naman ay tahimik lang at mukhang may malalim na iniisip. Tumayo ang lalaki, akmang susunod ako kay Creed ng hawakan ni Zy ang kamay ko. “Dito ka muna, pabayaan mo si Papa. Maraming iniisip yun sa trabaho niya. Hindi mo ba ako namimiss? Nakakatamlo ka na baby ha.” Tanong ng lalaki na inismiran ko. Halos dalawang buwan ang mabilis na lumipas magmula ng mawala ang anak ko. Kahit papano ngayon ay natanggap ko na ang lahat. Sa tulong ng dalawang lalaki na parating naghahanap ng dahilan para intindihin ang mga nangyayari sa buhay namin. Ang makasama ang mga tao na positibo ang pananaw sa buhay ay malaking tulong para sa akin. Mga tao na naka-focus sa self growth at hindi

