“Bakit kayo nandito?.” “Gusto lang namin humingi ng tawad anak, alam namin na nagkamali kami. Pasensya na. Kami na ang nagpapakumbaba.” Naabutan kong eksena paglabas ko ng bahay. Sa garahe pa lang rinig na ang boses ng matandang babae na sa palagay ko ay ina ni L. “Narural! Alangan naman ako pa magpakumbaba sa inyo ‘e kayo nga ang nakagawa sa akin ng hindi maganda. Para saan ba at pumarito pa kayo? Salot ang anak mo hindi ba? Kaya nga pinatay ninyo! Ngayon wala na, kaya please lang umuwi na din kayo. Mga wala kayong kwentang magulang. Lahat ng obligasyon ninyo sa aming magkapatid inako ko, ako lahat buong pamilya itinaguyod ko. Alam ba ninyo na ang tanging higaan ko boarding houses noon ay karton lang at wala kahit isang unan? Alam ba ninyo ang tiniis ko na lamig sa gabi dahil wala a

