“Umakyat ka sa taas Manang, katokin mo sa silid namin si Creed at tawagin mo din si Zy.” Utos ko sa kasambahay na mabilis naman tumango at humakbang papalayo sa akin. Naglalakad ako palabas ng bahay at nakita ko sa labas ang babae. Napakunot ang aking noo sa simpleng ayos nito. Huling kita ko dito ay sopistikada ito na halatang mamahalin ang damit at bag. Ngayon ay simpleng bestida lang ang suot at flat shoes. Pero napakunot ang aking noo at inapuhap ako ng malakas na kaba ng dumako ang aking paningin sa tiyan ng babae. “Buntis ba si Victoria?.” Napalingon ako ng magsalita si Zy. Si Creed naman ay tinitigan ko at mukhang kinakabahan. “Papasukin mo Zy ang baliw na yan.” Hinila ko si Creed para maupo sa tabi ko. Hinintay namin na ihatid ni Zy ang babae na mukhang nahihiya na ngayon

