GWYNETH POV ''Oh? Bakit ang puputik n'yo? At bakit ang tagal n'yo?" tanong ng Nanay pagka uwi namin ni Aexl. Napayuko naman ako dahil sa kahihiyan na nararamdaman ko Hhindi lang para sa akin kung hindi para na rin kay Aexl. ''P-Pasensya na po, 'nay. Alam n'yo naman po na madilim sa daan tapos maputik pa. Hindi sanay si Aexl sa ganoong lakaran kaya ayon, nahulog po s'ya sa may daanan doon at tinulungan ko s'ya,'' pagsisinungaling ko. Sorry 'nay. ''Ay naku! Oo nga pala. Iyang Tatay mo kasi pinasama pa si Aexl, ayan tuloy. Oh s'ya, sige, akin na ang pinabili ko at maglinis kayo ng katawan n'yo,'' sabi ni Nanay at tumango ako. ''Gwyneth—'' tawag sa akin ni Aexl pero hindi ko s'ya pinansin. Nahihiya ako para sa sarili ko. Nagagalit ako sa sarili ko. T*ngina naman kasi Gwyneth!! Pagkatapos

