CHAPTER 2

1272 Words
AEXL POV Maaga akong gumising ngayon at naligo dahil may pasok ako ngayong araw. Pagkababa ko ng hagdan ay kaagad akong nagpunta sa dining room tsaka ko nakita sina Mom at Dad na nag-aalmusal. ''Good morning Mom, Dad,'' bati ko bago umupo pero si Dad lang ang sumagot. Galit pa rin sa akin si Mom. Nagkatinginan naman kami ni Dad bago ako sinenyasan na kausapin ko lang daw si Mom. ''Mom?” tawag ko. “I'm sorry, okay? Patawarin mo na ako'' at lumingon naman sa akin si Mom kaya napangiti ako. ''Patawarin mo na ang guwapo mong anak'' sabi ko at napakunot naman ang noo niya. ''Isa pa iyan sa problema ko sayo Aexl, masyado kang bilib sa sarili mo kagaya ng tatay mo.'' ''Babe?'' tawag ni Dad. ''Oh bakit? Papalag ka?'' mataray na sabi ni Mom at umiiling na napayuko naman si Dad. ''Kagaya nga nang sabi ko Aexl, masyado kang bilib sa sarili mo. Lagi mo na lang sinasabi na ang guwapo-guwapo mo. Hindi mo ba alam na kapag sinabi mo iyon sa iba ay iisipin nilang mayabang ka? Hayaan mo na sa ibang tao manggaling ang mga salitang ganiyan at hindi iyong nagmumula sa sarili mo.'' Sabi ni Mom at napatungo naman ako. ''Yes, Mom.'' Sagot ko at pinagmukhang kaawa-awa ang mukha ko. Naramdaman ko naman na napabuntong hininga si Mom kaya napangisi ako. ''Aexl,” tawag niya sa akin. “You know that I love you, right? Nagalit lang ako kasi masyado kang nagiging tar*nt*do. Ayaw ko lang naman na may ma-disgrasya kang babae. Ayaw ko lang naman na ipakasal ka ng maaga.'' ''I know that Mom pero nag ko-c*ndom naman-- ''Aexl John Fvcker, magbigay ka naman ng respeto!” sigaw nito sa akin. “Nasa harapan tayo ng pagkain.'' ''Okay, I'm sorry pero kagaya nga nang sinabi ko, nag-iingat naman ako.'' ''Paano kung dahil diyan sa ginagawa mo ay magka sakit ka? Magka AIDS ka?'' sabi ni Mom at natigilan ako. ''See? Kaya kung ako sa’yo, tigil-tigilan mo na iyan, Aexl'' sabi nito at tumango naman ako bago kami nagtuloy sa pagkain. Pagkatapos kong kumain ay kinuha ko na ang bag ko bago ako nagpaalam kina Mom and Dad para pumasok. Hinatid ako ng driver sa school na pinapasukan ko at pagkababa ko pa lang ay ang dami nang mga babae na naka-abang sa akin. Kinuha ko ang shades ko bago ko sinuot at pa-cool akong lumabas ng kotse dala-dala ang bag ko bago ako naglakad. Nakita ko naman ang mga nag-gagandahang mga dilag na halos mahimatay na sa sobrang kilig kaya naman napangisi ako. "Ohmygod! Ang gwapo talaga ni Aexl!'' ''Siyempre naman, dugong Fvcker eh.'' ''No wonder, guwapo rin kasi ang daddy niya na si Mr. Andrei.'' ''Ang sabi nang lola ko kilala raw nila ang lolo ni Aexl na si Mr. Zyril Ace.'' ''Mayaman eh.'' ''Bigatin pa. Jackpot ka na!" Sari't saring bulungan ''Aexl, my friend,'' sabay tapik sa balikat ko ni Cloud. Si Cloud ang pinaka tinuturing kong bestfriend ko dahil totoo siya sa akin at talaga namang masasabi ko na mabait siya. Besides, kilala rin ng parents ko ang parents ni Cloud. ''Kumusta?” pagtatanong nito. “Naitago mo ba nang maigi ang underwear ni Janella?'' nang-aasar na sabi nito kaya naman binatukan ko siya. ''G*go ka rin e. Alam mo ba na dahil sa ginawa mo ay nagalit sa akin si Mom? Hindi ko nga alam na may underwear pala sa bulsa ng pants ko tapos nagulat na lang ako nang bigla akong pagalitan ni mom dahil sa underwear na iyan!'' naiinis na sabi ko at napatawa na lang siya. “Aexl, baka hindi mo natatandaan, ikaw ang nakipag-agawan sa akin nang underwear ni Janella kagabi?'' ''Seryoso pare?'' gulat na tanong ko at tumawa naman siya. ''Look, papunta rito si Janella, bakit hindi mo itanong sa kaniya?” sambit nito habang nakatingin sa likuran ko. “Janella!" tawag ni Cloud bago ako lumingon sa likuran ko at nakita ko si Janella na akala mo sinapak sa labi dahil sa sobrang pula nang lipstick niya. ''Hi Cloud, Hi babe"  bati ni Janella bago pumulupot sa akin na parang sawa. ''Hi Janella.'' Nakangiting bati ko. ''Naitago mo ba ang underwear ko?” tanong niya sa akin. “Remembrance ko iyon para sayo dahil sa nangyari sa atin. By the way. Ang galing mo talaga." Bulong nito at napangisi ako. ''Bibiguin ko ba naman ang isang magandang binibini kagaya mo?'' nakangiting sabi ko at ngumiti rin siya bago kami naghalikan na dalawa. ''Hoy pare! L*ngya, P*rn!" natatawang sabi ni ni Cloud pero hindi ko siya pinansin.Naghalikan lang kaming dalawa ni Janella pero natigil kami sa maangas na boses nang babaeng iyon.  ''Umagang umaga hindi ka makapagpigil sa lib*g mo Mr. Aexl at talagang sa corridor pa? Konting hiya naman please." Sabi ni Gwyneth. Ang student Council President. Humiwalay naman kami ni Janella sa isa't isa bago ko binigyan ng isang sweet smile si Gwyneth. ''Hi President!” bati ko. “Araw-araw lalo kang gumaganda. Subukan mo kayang ngumiti? Panigurado dyosa ka na." Malanding sabi ko pero lalo itong sumimangot. "Hindi mo ako madadala sa pa ganiyan-ganiyan mo Mr. Aexl. Eskwelahan ito, hindi ito bar kaya nakapagtataka at may pr*stitute rito.'' Pagtukoy ni Gwyneth kay Janella. ''Excuse Me?'' mataray na sabi ni Janella bago lumakad palapit kay President Gwyneth. ''Bakit, dadaan ka?'' sagot ni Pres. Napairap naman si Janella at nagulat ako kasama ang mga nanonood nang biglang sinampal ni Janella si Gwyneth sa pisngi. Tumilapon ang suot na salamin ni Pres bago poker face na tumingin sa nakangising si Janella.  ''Ano Pres, masakit ba?'' pang-aasar ni Janella. ''B-Babe, ta-tara na?'' sabay hawak ko sa braso ni Janella dahil nakakatakot na ang itsura ni Pres. ''Wait lang, Babe. Tuturuan ko lang ng lek-- ''Ouch, sakit no’n.''  ''Kawawa si Janella'' "Ow. Tulog.'' ''Huwag aawayin si Pres.'' Kapwa nakanganga kaming dalawa ni Cloud sa nakita namin dahil sa malakas na pagsapak ni Pres kay Janella. ''P-Pres,' Nauutal na tawag ko. ''Why Mr. Fvcker? Gusto mo rin?'' tanong nito at natigilan ako. Kalahi ba siya ng Nanay ko at ni Mamita? B-Bakit ang lakas niya manuntok? Wrestler kaya ito? Si Gwyneth Dela Rosa ay ang Student Council ng paaralang ito, ibinoto siya nang mga tao dahil sa pagiging maton niya kumilos at hindi siya plastik. Talagang dinidisiplina niya ang mga estudyante dito at wala din syang pakialam kung anak ka pa ng isang maharlika! ''Pres,” tawag ni Cloud. “Alam ko na malaki ang ginagampanan mo rito sa eskwelahan pero s-sinuntok mo si Janella. A-Alam mo ba na puwede kang ma-office?'' ''Office ba kamo?” tanong ni Gwyneth. “Handa akong ma-office dahil aminado naman ako sa kasalanan ko. E, iyang kaibigan mo? Wala bang masamang ginawa? Wala ba silang ginawang masama kasama ang babaeng ito? Siguro naman nakita mo ang hindi kaaya-ayang ginawa nila kaya alam mo sa sarili mo na mali iyon dahil nasa eskwelahan sila at ayon sa Book of Rules and Regulations ng School na ito number 163, page 225 section 4. Ang sinumang estudyante na nakitaan ng hindi kaaya-ayang ginagawa sa loob ng eskwelahan na kaniyang ginagalawan ay kinakailangan na bigyan ng karampatan na parusa dahil sa kalapastanganan na ginawa nito at nang sinuman na mga kasama nito. And I bet na kasama ka rin doon Mr. Roque'' matapang na sabi ni Gwyneth sabay turo kay Cloud na ikinatigil nito. ''Pe-Pres." Tawag ko at tumingin naman ito sa akin.  ''Tara na at pumunta tayong lahat sa Principal's office at tignan natin kung sino ang mapaparusahan ng mabigat.'' sabay lakad ni Gwyneth at iniwan kaming nakatanga ro’n.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD