AEXL POV Pumasok ako sa loob ng kwarto na kinalalagyan ni Ara at nakita ko s'ya sa bed na nakangiting nakatingin sa akin. ''Kumusta pakiramdam mo?" tanong ko habang nakatayo pa rin dito ng bigla n'yang i-tap ang gilid ng kama n'ya. ''Maupo ka Aexl,'' nakangiting sabi nito. Lumakad naman ako palapit sa kan'ya at umupo sa sinabing pwesto n'ya. Pagkaupo ko ay kaagad na hinawakan ni Ara ang kamay ko pero hinayaan ko na lang. ''A-Ayos lang ako. Salamat," sabi nito. ''Ano ba ang nangyari, Ara?" tanong ko at napaiwas naman s'ya ng tingin. ''S-Sina Mindy. I-Inaway nila ako kahit na wala naman akong ginagawa sa kanila. Pinagtulungan nila ako, Aexl,'' umiiyak na sabi nito at napayakap naman ito sa akin. Hinagod hagod ko ang likod n'ya para kahit paano ay maibsan ang mabigat na nararamdam

