JANELLA POV Umiiyak akong tumatakbo palayo kay Aexl matapos ng sinabi n'ya. Sapo-sapo ko ang mukha ko at wala akong pakialam kung madapa man ako. Pinangtitinginan din ako ng ilang mga estudyante na nakakakita sa akin pero wala akong pakialam sa kanila. Ako si Janella Escober. Ang babeng kakalabanin ang lahat ng babaeng magtatangkang agawin sa akin si Aexl. Kilala ako bilang matapang, palaban at b*tch. Pero ang hindi nila alam... mahina ako. I'm so d*mn weak kapag si Aexl na ang kausap ko. I'm so d*mn weak kapag ako na ang pinagsasalitaan ni Aexl. And I am so d*mn weak kapag lahat ng bagay ay tungkol kay Aexl. Habang umiiyak ako kay bigla akong napatigil ng may mabangga ako at bigla akong napa-upo. Umiiyak na tumingin ako sa lalakeng naka bunggo ko. ''I told you. Masasaktan ka lang,''

