AEXL POV ''Talaga, anak? Naku mabuti nga at nakapag desisyon ka kaagad ng maaga. Mag iingat kayo doon ha?'' paalala sa amin ni Aling Minda ng sabihin namin na babalik na kami ng maynila. ''Opo 'nay, mag iingat po kami at 'wag na po kayong mag alala ni tatay. Magtatapos na po talaga ako,'' sabi ni gwyneth at nagpaalam na muli kami sa kanila. Habang nasa byahe kami ay walang imik na nakatingin lamang si Gwyneth sa labas ng bintana. Hinayaan ko na lang muna s'ya na tumahimik muna at mamaya ko na lang s'ya kakusapin. Ilang oras ay naging byahe simula doon sa bahay nina Gwyneth at papunta sa Maynila. Nang makarating kami sa Maynila ay kinausap ko na s'ya. ''Gwyneth, papayagan ka pa kaya nung lanlord nyo kapag sinabi mo na babalik ka?" tanong ko kay Gwyneth at sandali ko s'yang sinilip ''Pa

