AEXL POV
Unang araw ng parusa namin at sinadya kong tanghali na pumasok pero pagkapasok ko pa lang ng gate ay nakita ko na kaagad si Principal K na masama ang itsura sa akin.
''Mister Aexl John Fvcker, you're late!'' bungad sa akin ni Principal K. Mabuti nga pumasok pa eh.
''Pasensya na, Principal,'' bored na sabi ko at napailing ito bago ako hagisan ng isang walis at kaagad ko namang nasalo. Siraulo talaga ang Principal na ito!
''Ayoko ng ta-tamad-tamad, Mr. Fvcker,'' huling sabi nito bago ako iwanan. D*mn it! Isang Aexl John Fvcker, may hawak na walis!? Bawas pogi points, 'dre.
Badtrip akong naglakad papunta sa oval habang hila-hila ko ang walis. Pinagtitinginan naman ako ng mga babae pero kinikindatan ko sila at ngini-ngiti-an bago sila kikiligin. Kahit kailan talaga.
Pagkadating ko sa oval ay kaagad kong nakita ang tatlo. Si President Gwyneth na akala mo lalake dahil sa way ng pagwawalis niya, si Cloud na naka-sando lang habang nagwawalis habang si Janella na puro arte lang ang alam.
''A beautiful girl like me should not be in here!'' naiinis na sabi niya. Ang sarap lang sagutin na, alam mo kung bakit ka nandito? Kasi hindi ka naman beautiful!
''Oy Aexl!'' tawag sa akin ni Cloud habang pinupunasan ng sando niya ang pawis niyang mukha. Gross! Kaya ayaw kong magbibilad sa araw. Tumingin naman sa akin si Janella bago ngumiti at tumakbo papunta sa direksyon ko.
''I miss you, babe!'' sabi nito at sabay hahalik na sana sa lips ko pero pinigilan ko ito.
''Ah Janella, could you please move a little?'' sabi ko sabay senyas pa ng kamay ko. Nagtataka naman itong tumingin sa akin habang lumalayo. ''There!'' nakangiting sabi ko bago ibaling ang tingin ko kay Gwyneth na walang pakialam kung mag amoy araw na siya.
Pinasadahan ko ng tingin ang katawan ni Gwyneth habang nagwawalis. Ang sexy pala ni Gwyneth at bukod doon, maganda rin siya. Magaling kaya siyang umungol sa kama habang umiibabaw ako sa kaniya at sinisigaw nya ang pangalan ko? Napangisi naman ako sa isipin kong iyon.
''Babe!?'' sigaw ni Janella kaya naman napatingin ako rito at bumungad sa akin ang naiinis na mukha ni Janella.
''Yes babe?'' wika ko pero lalo itong sumimangot.
''I saw you! I saw you looking at our student council president's body with a smirk on your face!'' sabi nito at napakunot naman ako. Then? Ano ang problema niya?
''Ipapaalala ko lang, Aexl. Ako ang Girlfriend mo!'' sabi nito at sinunggaban ako ng halik kaya naman gulat akong napahiga sa damuhan at napahawak sa katawan niya.
''President, sina Aexl, oh!" rinig kong sigaw ni Cloud habang tumatawa pero hindi ko na lang inintindi iyon. Busy kami sa session namin ni Janella nang bigla na lamang may nangbato ng walis sa amin kaya napatigil kami at ng lumingon ako sa gilid ay nakita ko si Gwyneth na nakalapit na pala sa amin.
''Hanggang dito ba naman sa oval ay hindi n'yo napigilan ang lib*g niyo? Ikaw Aexl, late ka na ngang dumating, hindi ka pa nakakapagwalis dito at natutulungan kami. Ngayon babanatan mo na naman ng lib*g mo?'' sabi nito na ikinalaki ng mata ako. Hindi ako malib*g! Tumayo ako mula sa pagkakahiga ko bago ko pinagpag ang suot kong uniform at nilapitan si Gwyneth.
''Alam mo President, ang iyong tinig ay parang musika sa pandinig. Hindi tuloy ako makapaghintay na ikaw ay sumigaw ng Ooohhh Aexl, harder please!" nakangising sabi ko pero ano pa ba ang aasahan ko kay Gwyneth kung hindi ang tumataginting niyang poker face?
''Magwalis ka na Mr. Fvcker, at 'yang sinasabi mong kabastusan sa akin? Hinding hindi mangyayari kaya ito lang ang masasabi ko," sabay lapit nito sa akin at bumulong. "You can look, but you can't touch,'' bulong nito sa akin bago nakangising lumayo sa akin. 38 B cup. Mas malaki 'yong kaniya kaysa kay Janella.
Maghapon kaming nagwalis at kahit na ayaw ko ay lagi na lamang akong pagagalitan ni Gwyneth. Lagi siyang nakaputak! Palibhasa, dalawa ang bibig! Nang sumapit na ang ala singko ng hapon ay sabay-sabay kaming umalis at ang sabi ni Gwyneth ay ipagpatuloy na lang daw namin bukas ang mga natira. Inilagay namin sa Janitor's Room ang mga walis at saka naman ipinulupot ng sawang si Janella ang braso niya sa braso ko.
''Babe, tara date tayo?'' nakangiting sabi nito.
''I'm sorry babe, pero next time na lang siguro? Ang dumi natin oh,'' turo ko sa mga damit namin kahit na wala naman.
''Sige na kasi, babe!'' nakangusong sabi nito.
''Not now, babe. But promise, next time sa motel tayo mag de-date,'' bulong ko rito at nangisay naman siya sa kilig.
''Sige! Magbabaon na ako ng extra underwear para kapag inuwi mo 'yong isa, may maisusuot ako pauwi,'' kinikilig na sabi nito at ngumiti na lang ako. I'm so d*mn tired!
Naglakad kaming apat papunta sa Principal's office bago kami sinalubong ni Principal K at nasa likod naman niya ang apo niya na todo pa cute sa akin pero bilang maginoo, siyempre kinindatan ko siya.
''I'm very glad na hindi tumakas si Mr. Fvcker sa parusa,'' sabi nito at napalingon naman ako kay tandang Principal.
''Principal K, hindi ako sumisira ng pinag usapan,'' sabi ko.
''Yeah, pero sumisira ka naman ng kinabukasan,'' seryosong sabi nito at biglang napatawa si Cloud na nakapag pasimangot naman sa akin. ''Congratulations at mukhang na disiplina mo President ang pilyong si Aexl,'' nakangiting sabi ni Principal K na nakaharap kay 38 B Cup.
''Salamat po Principal K,'' sabi ni Gwyneth at pinayagan na kaming makauwi. Sa sobrang arte ni Janella na hindi naman kagandahan at mas maliit ang hinaharap kumpara kay 38 B Cup ay nakisakay siya sa kotse namin bago niya ako pinilit na ihatid daw siya. Mga babae talaga, kaya namang umuwi mag isa!
''Thank you babe, mahal na mahal mo talaga ako,'' sabi nito ng makababa na ng sasakyan dahil nandito na kami sa tapat ng bahay nila. Ngumiti ako rito bago ko siya hinalikan at nagpaalam.
Dumaretso ako pauwi at pagkapasok ko pa lang ng bahay ay sinalubong na ako ng parents ko.
''How's the oval, Aexl?'' nang-aasar na tanong ni Mom.
''Not now, Mom. I'm tired!'' sabi ko sabay akyat sa hagdan ng bahay at nagkulong sa kwarto.