CHAPTER 20

1219 Words
​"We're running late, Andre. Bilisan mo," utos ni Sir William habang tinitignan ang kanyang Rolex. ​Habang tinatapos ni Andre ang buhok ko, dinala si Sir William sa isang VIP room ng boutique. Doon na siya naligo at nagpalit. Paglabas niya pagkalipas ng tatlumpung minuto, halos malaglag ang panga ko. Nakasuot sya ng black velvet tuxedo na saktong-sakto sa kanyang matikas na katawan. Mas gwapo pa sya kaysa sa mga bilyonaryong napapanood ko sa TV —malamig, makapangyarihan, at nakakalunod ang kagwapuhan. ​"Stop staring, Tessa. Let's go," sabi nya, pero napansin ko ang saglit na paghagod ng tingin niya sa akin bago siya lumingon sa driver. ​Sa loob ng Rolls-Royce, ramdam ko ang panginginig ng mga kamay ko. Limang pulgada ang heels ko at parang anumang oras ay mawawalan ako ng balanse. ​"Don't be nervous. Just hold my arm and follow my lead," bulong ni William nang huminto ang sasakyan sa tapat ng Plaza Hotel. ​Napalunok ako. Ito ang hotel kung saan ako unang nagpanggap bilang Sahara. Dito rin ako nag-deliver ng milktea noong isang linggo bilang Tessa. Ang hotel kung saan ako minaliit at tinapunan ng pera ng isang matapobreng empleyado. Pero ngayon, papasok ako rito hindi bilang delivery girl, kundi bilang kaisa-isang babae ni William Foster. Huminga ako nang malalim bago kami lumabas ng sasakyan. Noong huling beses na humarap ako sa pamilya Foster, nakatago ang mukha ko sa likod ng isang mamahaling maskara. Ngayon, tanging ang makeup ni Andre at ang sarili kong kaba ang suot ko. Pakiramdam ko, wala akong proteksyon. ​Pagpasok namin sa ballroom, tila tumigil ang mundo. Ang mga alta de sociedad ay nakatingin sa amin. ​"William! You're finally here," bati ng isang pamilyar na boses. ​Sina Matthew at Analise. Si Matthew, ang pinsan niyang mas angat sa negosyo, at si Analise—ang ex ni Sir William. "And who is this beautiful lady? Your new girlfriend?" ngisi ni Matthew "This is Sahara," tugon ni Sir William ​"So, it was you all along," sabi ni Analise habang nasa cocktail reception. "Noong birthday ni Chairman, akala ko ay kung sinong prinsesa ang itinatago mo sa maskara, William. I didn't know you had a thing for... commoners." "I thought you'd hire someone new, William. This one is... well, recycled." Akala siguro ni Analise ay isa akong 'disposable project' na hindi na uulitin. ​Ngumisi lang si Sir William at mas hinapit ang bewang ko. "Some things are worth keeping, Analise. Something you'd never understand." ​Umalis kami sa harap nila at lumapit sa Chairman at sa mga magulang ni Sir William. "Dad, Mom, Lolo, Alicia, this is Sahara," pakilala muli sa akin ni Sir William ​"Sahara, hija! It's so good to see you again," masayang bati ni Mrs Foster "Hindi ko makakalimutan ang ginawa mong cake pops noon. You saved the Chairman's birthday. Thank you," "Walang anuman po, ma'am," tugon ko ​Maging ang Chairman ay tumango nang seryoso pero may bahid ng pagkilala. "Good to see you back, Sahara," "Good to see you po, Chairman," tugon ko ​Huminga nang malalim si Sir William. Sa harap ng kanyang pamilya—at saktong nakikinig sina Matthew at Analise sa likuran—itinaas niya ang kanyang baso ng champagne. ​"I have something to tell you. Sahara isn't just a date tonight. I've asked her to be my fiancée." "Wow, congratulations Anak!" masayang bati ni Mr Foster "Sahara, Hija, welcome to the family," inilahad nito ang kamay sa akin Inabot ko ang kamay ni Mr Foster, "Salamat po, sir," "Congratulations, Kuya and Ate!" masayang bati ni Alicia "I'm so happy for you, Hija and my son," niyakap ako ni Mrs Foster Samantala, ​halos mabitawan ni Analise ang hawak niyang baso. Habang namutla si Matthew. Ang inggit sa mga mata ni Analise ay sapat na para sunugin ang buong hotel. Pero hindi pa doon natatapos. Habang isiniserve ang main course, umakyat ang Chairman sa podium. Ang lahat ay natahimik. "Before we begin our fundraising for the evening, I want to share a milestone for the Foster Group..." ​"My son remains the President and CEO to ensure stability. However, the Foster Group needs a fresh perspective in its daily operations. Therefore, I am appointing William Foster as the new Chief Operating Officer. Matthew Sterling is appointed as Executive Vice President." "Matthew, as the Executive Vice President, I expect you to work closely under William's leadership to bring the company to new heights," Nagbulungan ang lahat. Si Matthew ay parang sasabog sa galit habang ang nanay nyang si Estelle ay halos mangisay sa inggit. Maging si Sir William ay natigilan. Hindi nya inasahan ito. Pagkatapos ng maayos na fundraising activity, nagsalita ang emcee sa stage "And now, to celebrate this successful event, let us have the first dance of our new COO and his beautiful fiancée!" ​Napako ako sa kinauupuan ko. Wala ito sa kontrata. Lumingon ako kay Sir William, naghahanap ng paraan para makatakas, pero seryoso lang siyang tumingin sa akin at inilahad ang kanyang kamay. ​"Don't let them see you're afraid," mahina nyang utos. ​Wala akong nagawa kundi abutin ang kanyang palad. Dinala niya ako sa gitna ng ballroom. Kasabay ng pagpukaw ng mga spotlight sa amin ay ang pagsisimula ng isang pamilyar na himig ng piano. “I never believed in miracles... but I've changed my mind.” ​Naramdaman ko ang paghila nya sa aking baywang. Halos mawalan ako ng balanse sa taas ng heels ko, pero saktong-sakto ang pagsalo nya sa akin. Isang kamay nya ang nakalapat sa hubad kong likuran, habang ang isa ay mahigpit na nakahawak sa aking kamay. “Just look at what this world has done to me... I've been touched by an angel...” ​"Sir," bulong ko, ang boses ko ay nanginginig gaya ng tuhod ko. "Hindi ako marunong sumayaw ng ganito." ​"Follow my lead, Tessa. Just listen to the music," sagot nya. Ang boses nya ay malalim at tila sumasabay sa kanta. ​Sa bawat pag-ikot namin, nahagip ng mata ko si Analise na halos madurog ang basong hawak sa sobrang higpit ng kapit. Nakita ko rin ang babaeng nang-api sa akin dito sa hotel, nakanganga sya, tila hindi makapaniwala na ang babaeng tinapunan niya ng barya ay ang reyna ng gabing ito. ​Pero dahan-dahan, nawala sila sa paningin ko. Ang tanging nakikita ko na lang ay ang madilim na abo ng mga mata ni Sir William. ​“I see heaven in your eyes... bright as stars in summer skies...” ​Naalala ko noong nangangarap ako habang naglilinis ng condo ni Sir William. Doon, nananaginip lang ako na isinasayaw ako ni "Babe." Pero ngayon, ang bango ng suit nya, ang init ng balat nya, at ang paraan ng pagtitig nya sa akin—lahat ay totoo. ​“I've never seen anything as beautiful as you...” ​"You're not dreaming anymore, Tessa," bulong niya sa tabi ng tenga ko, saktong-sakto sa kanta. "And for tonight, forget about the contract. Forget about the hired part. It's just you and me." ​Sa sandaling iyon, tila huminto ang mundo. Ipinatong ko ang ulo ko sa kanyang balikat, hinahayaan ang sarili na malunod sa himig ni Jim Brickman. Kung ito man ay isang mahabang panaginip, ayaw ko na munang magising.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD