Halos hindi ko maramdaman ang bigat ng hawak kong rolling pin. Ang utak ko ay nasa airport pa rin, kasama ni Ate Kate na halos hindi ko makausap kanina dahil sa iyak nya. Parang kapatid na ang turing ko sa kanya. Ang sakit sa dibdib na makita syang wasak na wasak, habang ako ay tila naglalaro sa isang marangyang pagpapanggap. "Tessa, ang dough. Masyado nang manipis," marahan na boses ni Chef Jax ang nagpabalik sa akin sa realidad. Nabitawan ko ang rolling pin. "S-sorry po, Chef. Hindi lang po talaga ako makapokus." "It's okay. Matatapos na rin ang class. Go ahead and clean up," pag-aalala ni Chef Jax. Halos patakbo akong lumabas ng studio pagkatapos mag-ayos. Kailangan kong makarating sa airport. Pero hindi pa ako nakakalayo sa parking lot nang marinig ko ang pagtawag ni Chef Jax

