“Anong sabi ni Miss Pam sir?” tanong ni Lanie sakanya. Napatingin naman siya dito. Hindi pa pala nakakaalis si Lanie sa opisina niya. Nahuli ba siya nito na parang tanga na napangiti mag-isa?
“She hates me but..”
“But she likes the flowers.” Pagpapatuloy ni Lanie sa dapat niyang sasabihin.”Alam mo sir, ang mga babae masyadong Moody at emotional. Minsan bigla nalang nagagalit tapos magiging okay, Pag Good mood naman minsan agad nababadtrip.It’s just a cycle of emotions sir. Kaya intindihin mo nalang si Miss Pam.”
“Well, Thanks Lanie.You may now leave.” If you only knew Lanie what’s behind the reason why Pam hates me so much.How could I win the heart of this girl kung umpisa palang parang gusto mo ng bumigay? Kian migs monticillo s***h lapitan ng mga babae ay ngayon naghahabol na sa isang babae? Now this is what we called”KARMA”.
“Sige sir. I’ll go ahead.” Tumango lang siya at napaupo sa kanyang swivel chair. Inumpisahan na rin basahin ni kian ang mga papeles at sinimulan pirmahan ito.Habang iniisa-isa ni kian basahin ang mga ito ay biglang tumunog ang kanyang cellphone at agad kinapa ito sa bulsa. Kumunot ang noo niya na mabasa ang caller iyon, Walang iba kundi si Carlos Monticillo.
“H-ello dad?”
“Kian. I want to talk with you. Where are you?” sa tono pa ng boses ng ama niya ay alam niyang importante ang sasabihin nito.
“I’m right now at the office.” Pagkatapos niyang sabihin iyon ay agad na nito binaba ang telepono sa kabilang linya.
--
Habang inilalagay ni Pam ang mga bulaklak na bigay ni kian sa kanya sa transparent Vase ay may iilang sunod sunod na katok ang nagmula sa kanyang pintuan.
“Come in.” nilakasan ni Pam ang boses niya.This time iniispray niya nanaman ang mga bulaklak para manatili itong fresh and Good looking sa loob ng kwarto niya. Dahan dahan naman niya ito kinuha at inilapag sa side table niya.
“Anak?” tawag pansin ni Elaine sa anak.
“Oh Ma, ang aga niyo naman ata nakauwi?”Nagtatakang tanong niya.kinuha naman ni Pam ang dala ng mommy niya na isang box. Tiningnan naman nito ang loob and there she saw bunch of mini cupcakes.
“Is this for me?” Pam smiled happily.
“Yes iha.Napadaan ako sa Sweets shop. You heard about it? Bagong open lang iyon. “
“Not really Mom. Alam mo naman, Hindi pa ako masyado nakakalabas ng bahay. I mean gumala kung kahit saan.”
“So how’s you date with kian yesterday?” Ito na nga ba ang sinasabi niya. Uusisain nanaman siya ng kanyang mommy kung anong nangyari about what happened yesterday. Alangan naman sabihin niya na na Perfect date iyon eh Nagkasagutan sila ni kian kahapon and it ruined everything pero teka….
You’re the one who ruined everything!
No! Not me! Pagtatalo ng isipan ni Pam.Nainis lang naman talaga siya nun eh. Why kian could act like that? Why he is being sweet all around and says those cheesy line? Alam niya naman na hindi totoo ang lahat ng sasabihin nito. How could he trust that man again? Gees! Buong tiwala ko nawala na ng dahil sa lalaking iyon! Now kung ano man binabalak ng kian na iyon, Hindi niya makukuha ang gusto niya! Even me.. Again! Dahil para sa akin He is just now a Somebody!
“Oh natahimik kana diyan iha.” Mabuti nalang nagsalita ang mommy niya at natauhan siya kundi kanina pa siya naging baliw.
“Something running in your mind?” her mom ask again.
“W-ala naman po, Well, Okay lang naman po yung date kahapon. “ Now she is beginning to lie with her mom! How could you Pam!
“Well, kian seems to be a nice guy and looks so professional now. Am I right?” Masayang sabi ni Elaine.
“Y-es mom. I heard his kinda busy in the office during his working hours in Monticillo Real estate. He’s now a workaholic person.” Pag aamin niya. Saan nga ba niya narinig iyon?
“That’s nice to hear iha, Kaya naman im so much comfortable sa batang iyon.”
“At bakit naman ho?”
“Anong bakit?kuu bata ka! Bagay kaya kayo!”
“WHAT?!” Nagulat si Pam sa sinabi ng kanyang mommy. She almost gave her a heart attack!
“Sinabi ko na at hindi ko na babawiin. I guess I’m going iha, may lakad pa kami ng mga kaibigan ko.See you later sweetie.” Saka hinagkan siya nito sa noo and now her mom left her dumbfounded!
“My mom is insane.” Sabi niya nalang sa sarili. Napa iling iling siya at napahiga sa kama niya.Habang nakatingala naman siya sa kisame ay iyon naman ang pagiistorbo ng cellphone niya.
“Sino nanaman kaya ang tumatawag?”Hindi na siya nag abala tingnan ang caller at basta nalang niya iyon tinapat sa tenga niya at sinagot.
“H-ello? Pam speaking.”Matamlay niyang sagot.
“Hi Pam. It’s Terrence.” Agad naman niya tiningnan ang caller. Si Terrence nga! s**t!
“Oh Hello Terrence, Napatawag ka?” di bale kakausapin niya nalang ang isang to, Nakakabagot naman kasi na walang kausap. Alangan naman ang mga unan at kisame ang kausapin niya sa buong araw?
“Himala. Hindi mo ako binabaan ng telepono ngayon?”
“Nasa mood ako eh at tsaka para na rin mahal ang babayaran mo sa pagtawag sakin.” Ang sama ko ba? hehehe
“It’s okay.Ikaw naman ang tinawagan ko at hindi ibang babae.” Napangiti naman siya sa sinabi ni Terrence. Napaka thoughtful talaga nito sakanya. Iyon nga lang, She can’t accept the love that Terrence is showing to her.
“Ikaw talaga.”
“Kamusta ka na? How’s Philippines?”Tanong ni Terrence sakanya.
“It’s Great. You, how you’ve been there?”
“Nagluluksa.”
“Bakit? Did someone died?”tanong niya. Napabangon tuloy siya sa kama.Nag-aalala siya kay Terrence baka mamaya magbigti ito dahil nagluluksa nga ito.
“Hahahahahaha No!”
Kumunot naman ang noo niya.”Then what?” curious niyang tanong.kinagat kagat niya tuloy ang mga kuko niya.
“Stop biting your nails.” Huh? Paano nalaman nito na kinakagat ko ang kuko ko? agad naman niya itinigil iyon.ah! oo nga pala, alam na alam nito ang ugali niya.Lagi ba naman kasi sila magkakasama sa states.
“Teka nga,pinagloloko mo ba ako? Bat ka nagluluksa?”tila inis niyang sabi. Ang tagal kasing sabihin eh!
“No. I just miss you Pam. Ang sakit lang talaga isipin na ang layo mo sa akin. It’s so hard na hindi na kita nakikita.”Malungkot nitong sabi.
“Ang OA talaga nito! Hahaha pero Terrence, pinag-usapan na natin ito.”sabi niya naman.
“Madaling sabihin pero mahirap tanggapin.”
Ano ba naman ito? Sobrang ganda ko na ba talaga?
“Anong drama ba iyan Terrence.”
“Wait for me Pam.”
Huh? Saan ko naman siya hihintayin? Ang layo ng states sa pilipinas.
“Why? Anong meron?”Ang g**o kausap ni Terrence.
“Because I’m coming in the Philippines.”
“Iyon lang naman pal----WHAT?!! Hindi pwede!” sabi niya agad. Oo hindi pwede! Hindi siya pwedeng pumunta ng pilipinas! At ewan ko naman kung bakit hindi pwede democratic country naman ang pilipinas hehehe
“At bakit hindi pwede?”Nagtatakang tanong ni Terrence.
Ha? Ano na isasagot ko? Dapat mapapaniwala ko siya sa isang bagay para hindi siya makapunta sa pilipinas pero hindi ko alam kung papaano.
“a-no kasi may giyera sa pilipinas ngayon.” Ay ano ba itong nasabi ko!
“Ha? Eh wala naman nababalita na giyera about sa pilipinas.”
“Basta wag ka na pumunta dito Terrence. Lagi akong busy. I can’t entertain you all the time.”
“Hindi ka naman siguro all the time na busy, right? You can find a time always with me like before Pam.”
“T-eka kelan ba alis mo?”
“It’s a suprise.”
“Oh andiyan na iyong hinihintay ko.”
“Ha? Sino?”
“Iyong malaking flappy bird.hahahaha Sige I’ll hang up now.”
Teka? Malaking flappy bird ano iyon? Hindi ko gets ano ba iyon? Alam ko na laro iyon pero Malaki raw eh?
Shocks! What if itutuloy ni Terrence ang balak nito pagpunta sa pilipinas? Ano na ang gagawin ko? Isa pa itong lalaki na makulit eh!