Cheska’s Point of View I was staring at my reflection on mirror at Kaye’s boutique. Grabe para na akong balyena. Four months preggy pa lang ako. Nakaka-depress naman ang itsura ko. “Kaye, bakit parang ang laki ko na?” tanong ko kay Kaye na nahinto sa pagdo-drawing ng mga design niyang damit. “Hello, dalawa iyong anak mo d’yan sa tiyan mo. Nakita mo na ba ang tatay nila lately kung gaano kalaki? Malamang, kasing laki niya rin ‘yang mga chikiting gubat mo sa tiyan,” Natatawang sagot ni Kaye. “Hindi kaya nagsasawa na sa akin si Ace?” tuluyan nang binaba ni Kaye ang hawak na pencil. Lumapit siya sa akin at tumingin din sa salamin. “Ikaw nga, Cheska, umamin ka. In love ka na kay Ace?” seryosong tanong ni Kaye. Bumuntong-hininga ako at umupo sa couch. Sinundan ako ni Kaye at umupo sa

