Ace’s Point of View Sino ang nagpahiram ng encrypted phone kay Cheska? Si Kyle o si Marcus? Paano maiisip ni Cheska na gumamit ng encrypted device kung walang nagturo? Pwedeng binigyan ng idea ni Sam o Marie, pero sino ang nagbigay ng device sa kanya? Tatamaan sa akin ang dalawang ‘yan. Tiningnan ko ang mga monitor na nasa harap ko… wala sila. “Reyes, pakihanap mo si Marcus at Kyle,” Utos ko sa isang tauhan ko na kasama ko sa control room. “Sir, papunta po Club Zero,” Sagot nito. Pagdating ko sa Club Zero nahinto sa pag-uusap ang dalawa nang umupo ako sa mesa nila. “Oy… okay ka na ba?” tanong ni Marcus. Naningkit ang mata ko kaya nawala ang ngiti nito. “Sino ang nagbigay ng encrypted phone kay Cheska?” tanong ko. Nagkatinginan si Kyle at Marcus. “Pinagbibintangan mo ba kam

