Nagising si Kathy sa matinding hapdi na naramdaman. Nakita niya si Dylan na nakaupo sa kanyang tabi at ginagamot nito ang kanyang mga sugat. Sugat dulot ng mga kalmot ni Angelique. Nagbabadya na naman ang luha sa kanyang mga mata nang maalala ang nangyari kanina. Pangyayaring dumudurog sa kanyang puso ngayon. Ang masayang tanghalian sana kanina ay naging isang napakasakit na bangungot ng kanyang buhay sa isang iglap lang. Nabaling ang tingin niya sa maliit na box na nasa ibabaw ng vanity dresser at hindi na niya napigilan ang paglandas ng mga luha niya sa kanyang pisngi. Luhang punong-puno ng sakit. Hindi na niya alam kung paano sabihin kay Dylan ang tungkol sa pagdadalang-tao niya. Alam niya sa sarili na siya ang pipiliin ni Dylan pero hindi rin kakayanin ng kanyang konsensya na lumak

