MADALING araw na pero hindi pa rin nakatulog si Dylan. Nanatili lang siyang nakahiga at nakayakap sa katawan ng dalaga. Hindi niya alam kung kakayanin ba niyang makitang paalis ang dalaga sa isla. Hindi alam kung maalala pa ba siya nito kapag nakabalik na ito sa Maynila. Kung makikita niya pa ba ito ulit. Nakakaramdam siya ng takot sa isiping iyon. Hindi naman niya pwedeng pigilan ito dahil wala naman siyang karapatan at hindi niya pag-aari ang dalaga. Napasuklay siya sa kanyang buhok at napatayo. He need to do something. Pagkuwa'y kinuha niya ang kanyang cellphone at may numerong tinawagan. "Give me all the information about Ms. Katrina Angela Villaruiz. I need it as soon as possible!" utos niya sa kabilang linya at agad ibinaba ang kanyang cellphone. Dylan sighed as he glanced at

