CHAPTER 28

1267 Words

Hindi mapakaling bumaba ng hagdan si Dylan mula sa second floor ng kanyang bahay. Kanina pa niya tinawagan ang kanyang mga tauhan para hanapin si Kathy. Hindi pa siya makaalis ng kanyang bahay dahil hindi pa umuuwi ang kanyang kapatid. Pakiramdam niya binabakuran siya nito at binabasa ang bawat kilos niya. Sinulyapan niya ang kanyang ate Samantha at nakaupo parin ito sa sofa habang nanood ng movie sa sala. "Ate, hindi ka pa ba uuwi?" lakas loob niyang tanong ng madaanan ito. "Hindi pa tapos ang pinapanood ko." sagot nito sa kanya. "Bakit ba?" "Wala naman." tugon niya at umupo sa tabi nito. "Ipagdrive mo ako pauwi sa Casa Monteverde, Dylan." wika ni Samantha. "What?!" bulalas niya. "Oh ba't gulat na gulat ka d'yan? Hinahatid mo naman ako dati ah." tanong nitong nakatingin sa kanya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD