Masayang kumakain si Kathy kasama si Christian at Lea sa loob ng isang mamahaling restaurant malapit lang sa hospital kung saan nakaduty Lea. "Uuwi na ba kayo after this?" tanong ni Lea. "Hindi pa! Dadaan pa kami ng mall para bumili ng mga damit at gamit ng baby ni Kathy." si Christian ang sumagot. "Buti na lang si Kuya Christian ang kasama mo, Kathy. Mabait na maalaga pa." wika ni Lea. "Patong-patong na nga utang na loob ko d'yan!" pabirong sagot niya. "Syempre naman! Maliban sa iniingatan ko yan at inaalagaan. Bantay-sarado ko din yan baka kasi tumakas at bumalik sa bahay ni Dylan! Naku, lagot ako kay Samantha" natatawang wika ni Christian. "Kapag yan ginawa niya.. Susunduin ko siya doon sa bahay ni Monteverde at kukurutin sa singit!" dugtong ni Lea. "Ano na ba balita dun sa bestf

