MAHIGPIT ang kapit niya sa braso ni Dylan habang inalalayan siya nitong maglakad. May nakatakip sa kanyang mata kaya hindi niya makita ang paligid. Lalo na kanyang dinadaanan. Si Dylan lang ang tanging mata niya at ito rin ang nakakaalam kung saan sila pupunta. Napahinto sila at tinatanggal ni Dylan ang nakatakip sa kanyang mga mata. "We're here! Open your eyes now, baby!" maya-maya utos ni Dylan. Dahan-dahan siyang nagmulat at labis ang pagkamangha niya nang makita ang paligid. "Wow!" salitang lumabas sa bibig niya at inilibot ang paningin sa paligid. Nasa deck sila ng yate ni Dylan na nagsisimulang maglayag ng mabagal papunta sa gitna ng dagat. Sinadya raw ni Dylan na dito sila mag-dinner date at huwag ipaalam sa kapatid para walang istorbo. Nakahanda na ang kanilang dinner at na

