Chapter 1
-Analou-
“Oh! anak nariyan kana pala. Kamusta ang araw mo sa bago mong school may mga nakilala kana ba don?” Nakangiting tanong sa akin ni Nanay Melanie, ang kinagisnan kong ina at magulang. Maaga kasi akong naulila sa tunay kong ina dahil ng pinanganak ako nito at iyon din ang kanyang naging kamatay, nakakalungkot man isipin pero ako ang dahilan ng kanyang pagkawala. Sa totoo lang ay napapaisip pa ako kung bakit iyon nangyari sa akin pero ang sabi naman ni Nanay Melanie eh! Ang lahat daw dito sa mundo ay may dahilan. Hindi ko man daw gustuhin na mawala ang Mommy ay iyon pa rin daw ang mangyayari dahil nakaukit na rin sa palad natin ang maaaring mangyari sa hinaharap. Kaya kahit papaano ay unti-unti ko na rin natatanggap ang lahat at kayapin na lang kung anong kapalaran ba meron ako sa pagdating ng araw.
Ang aking ama naman ay hindi ko alam kung nasaan na, ang sabi kasi ni Nanay Melanie iniwan lang ako sa pangangalaga sa kanya ng namatay ang aking ina at mula noon ay hindi na niya nakita ang aking ama, at dahil doon ay naging mas mabigat sa akin ang makihalubilo sa ibang bata lalo at nakikita kong kompleto ang kanilang pamilya, samantala ako ay may ama nga iniwan naman at mukhang walang balak balikan kahit kailanman. Alam ko naman ang pangalan ng ama pero ayaw ko na rin hanapin pa dahil baka hindi naman ako mahalaga dito, iniwan ako nito dahil hindi ako nito mahal o mahalaga sa kanya bilang anak kaya bakit ko pa siya kailangan hanapin kung una palang ay s’ya na ang lumimot sa akin bilang anak niya. Dahil kung meron ito pagmamahal sa akin ay hindi ako nito basta iiwan, pero mabuti na lang at kay Nanay Melanie niay ako iniwan dahil kahit papaano ay naranasan ko ang maging masaya kahit alam kong marami parin tanong sa aking isipan na kahit si Nanay ay alam kong hindi kayang sagutin.
“Wala pa po nay, kasi wala rin gaanong pumasok sa school alam na man ninyo ang mayayaman palaging late na kung magsipasokan.” Sagot ko dito at tinulungan ko na rin itong nag-ayos ng mga plato dahil kakain na kami ng hapunan maaga kasi kami pinauwi dahil first day of class lang naman daw. Napapanguso na nga lang ako kanina dahil excited pa naman ako pumasok kanina tapos ganito lang pala ang mangyayari, ang buong akala ko pa naman ay maraming student ang papasok at makikita ko rin ang excited sa kanilang mga mukha. Subalit nagkamali ako dahil parang wala lang din sa kanila ang first day of school.
“Ah ganon ba, alam mo tiyak n’yan bukas marami ka ng makikilala. Hayaan mo muna sila kung wala sila sa first day of school ang inportante ay naroon ka at hindi ka late.” Pangpalubag loob sa akin ni Nanay at saka nito hinawakana ng aking kamay at ngumiti ng ubos ng tamis. Ito ang isang bagay na labis kong pinagpapasalamat dahil alam kong kahit ano ang mangyari ay may isang Nanay Melanie na hindi ako iiwan o sasaktan.
“Sige na at kumain ka na diba may pasok ka pa sa restuarnatant anak.” Dag-dag pa nitong sambit sa akin, ngumiti na lang rin ako dito at saka sinimulan ko na rin kumain. Ganito na ang routine ko araw-araw after school, sa hapon ay darecho na ako sa pinapasukan kong isang fast food na malapit lang din sa school kaya kahit paano ay madali na rin para sa akin ang makapasok agad, alam rin naman sa restaurant na isa akong working student kaya naman ginagalingan ko ang aking trabaho ng sa ganoon ay makita nilang kaya kong pasabayin ang trabaho at pag-aaral ko.
Mabilis lumipas ang araw at naging taon na rin na pumapasok ako sa school at nakilala ko na rin sila Sofia, Cindy at Kendal na anak na mayayamang tao at kilala sa lipunan at sa tuwing kasama nila ako ay hidni ko mapigilan ang mahiya dahil alam ko na hindi naman talaga ako nababagay sa kanilang grupo dahil alam kong wala akong maipagmamalaki sa kanila kung dia ng pagiging totoong kaibigan sa kanila. Pero ganon pa man ay hindi nila ako minaliit kahit kailan, may pagkakataon na kapag nagigipit ako sa tuition ay si Kendal ang madalas ng babayad kaya ganon na lang ako nahihiya sa kanila.
Hanggang sa sumapit ang last year namin at kasabay din noon ang pagkawala ni Kendal, sumabog ang sinasakyan nitong eroplano galing sa Italy at wala na rin kaming narinig na kahit na anong balita dito. Buong school ang nagluksa sa pagkawala nito at maging kami na kaibigan nito ay hindi makapaniwalang wala na ito ngayon, isang masayahing kaibigan si Kendala at alam kong malayo pa ang mararating nito kung sakaling hindi ito nawala ng maaga. Wala rin kaming pinuntahan na burol dahil ayaw daw ng pamilya nito na isiping wala na ito, at gusto nilang manatiling buhay ang dalaga kaya naman kami-kami na lang magkakaibigana ng nag-alay dito ng kandali ng sa ganoon ay nasaan man ang kaluluwa nito ay maging maayos at tahimik.
Nakapagtapos ako bilang nurse at ganon din ang dalawa kong kaibigan na si Sofia at Cindy pero malungkot kaming umakyat ng stage dahil wala si Kendal gusto pa naman nitong makita kaming magkakasamang kukuha ng diploma at matupad ang mga pangarap kaso iniwan lang kami nito at mukhang matatagalan pa bago kami ulit magkita-kita. Samantalang nagpunta ng ibang bansa sina Sofia at Cindy dahil na rin sa kagustuhan ng mga magulang nito, mayayaman ang mga ito at alam nilang may tungkulin sila sa kanilang pamilya na kailangan nilang tuparin. Kaya naiwan na naman akong mag-isa at patuloy na nangangarap na muli ko silang makikita at makakasama pero nangako naman sila na magkikita kami kapag nagawa na nilang maayos ang kanilang mga buhay-buhay sa kani-kanilang pamilya
Makalipas pa ang ilang buwan ay ganap na akong nurse at nagtatrabaho sa isang hospital, medjo malayo ang trabaho ko kaya naman naghanap ako ng apartment na pwde kong tuluyan. Dahil hindi rin biro kung uuwi pa ako sa amin at papasok ng maaga dito sa pinapasukan kong hospital, malamang na wala na rin akong maging pahinga kapag ganon.
“Anak, sigurado ka bang ayos ka lang dito?” Malungkot na tanong ni Nanay sa akin habang inaayos nito ang mga damit kong inilalagay nito sa loob ng isang aparador dito sa bago kong apartment may pagkaluma na rin ang titirahan ko kaya naman alam kong nag-aalala sa akin si Nanay.
“Opo inay, ayos lang po ako dito at saka sa tuwing day off na lang po ako makakauwi sa atin Nay, at sana po ay lagi kayong mag-iingat dahil malayo po ako sa inyo. Alagaan n’yo po ang sarili ninyo, ung mga vitamins na kailangan inumin at wag n’yong kakalimutan ha. Pagkasahod ko po ay bibilhan ko kayo ng bagong sapin sa higaan para naman po maging komportable kayo sa pagpapahinga.” Bilin ko dito para naman hindi na rin ito mag-alala sa akin dahil ayaw nitong lumipat ako ng tirahan.
“Ano ka bang bata, abay malakas pa ako sa kalabaw kaya ko pang magbanat ng buto. Ginagawa mo akong mahina ha.?” Mataray naman nitong turan at pinalo pa ako ng walis tampo sa puwet. Natawa na lang ako dahil totoo naman ang sabi nitong malakas pa ito, pero alam kong meron na rin itong dinadaing kaya naman pinagsasabihan ko ito kung minsan na ingatan ang kanyang katawan.
“Nay, alam kong malakas pa po kayo pero tandan n’yo may edad na rin kayo kaya pinag-iingat ko lang po kayo para naman mo makikita n’yo pa ang magiging apo n’nyo sa akin.” Maglalambing ko dito at niyakap ko pa ito mula sa likuran, natawa naman ito at hinimas ang aking ulo at saka humarap ito para yakapin rin ako, masarap sa pakiramdam na kahit wala akong mga magulang alam kong may isang tao pa rin ang kaya akong protektahan
“Sige, aantayin ko ang araw na makita ko ang magiging anak mo. At siguraduhin mong gwapo ang magiging asawa mo, at yung mayaman anak ng sa ganoon ay makaahon ka naman sa hirap.” Natatawa pa nitong turan sa akin kaya naman napasimangot pa ako, pero alam kong nag-aalala lang ito sa magiging buhay ko. Pero kahit naman sino ang maging asawa ko basta mahala ko ay ayos lang sa akin ang inportante ay masaya ako sa binibigay nitong attention sa magiging pamilya naming.
“Saka na ako mag-asawa kapag pinanganak na po ang kakambal ni Tom Cruize.” Masayang pagkakasabi ko dito at inayos ang kurtinang bigay ni Kendal sa akin nung birthday ko, magaling magburda si Kendal noong nabubuhay pa ito at talagang itinabi ko ang huling ala-ala nito sa akin dahil ayokong masayang ang mga bagay na pinaghurapan nito.
“Ewan ko sayo bata, eh mukha namang walang magiging kakambal ang idol mong yon.” Nakanguso naming sagot nito sa akin at nagtungo sa nalang sa maliit kong kusina. Lihim naman akong napapangiti sa isipin na meron n’gang kamukha si Tom Cruize dito sa mundo subalit kung sakaling meron man ay alam kong hindi naman ako nito mapapansin dahil hindi rin naman ang tulad ko ang kaya nitong mahalin at tanggapin. Matagal ko na rin itong idol mula ng mapanood ko ito sa isang pelikula na “A few good men” ay nagustuhan ko na talaga ito at ganitong lalaki talaga ang tibo kong makasama o maging husband to be ko. Nagstay pa si Nanay ng ilang araw at ng masigurado na nitong magiging maayos ako ay saka lang ito bumalik sa lugar namin, dahil hindi rin nito kayang iwan ng matagal ang bahay naming at maraming masasamang loob daw ang pwdeng pumasok sa loob ng bahay namin.
Nang sumapit ang lunes ay maaga akong pumasok sa hospital dahil sa maaga pa ang duty ko dito. Maayos naman ang first day ko dito, marami rin akong bagong mga kakilala at nagiging kaibigan. Hanggang sa nakilala ko si Michael isang doctor at galing din sa mayamang pamilya. Naging malapit kami dahil sa magkalapit din pala ang apartment naming dalawa. Palagi din akong sinasabayan nito sa pag-pasok at pag-uwi sa bahay. Kung minsan ay nagtataka na rin ako dito pero hindi naman ito nagtatapat kung meron itong nararamdaman sa akin o sadyang ganito lang ito sa mga bagong katulad ko.
“Hi Analou, good morning!” Masayang bati sa akin ni Cecile na kasamahan ko. Nauna ito sa akin ng ilang buwan kaya naman may kilala na rin nito ang lahat ng narito sa hospital. Masaya rin itong kasama at mabait rin ito tulad ng iba pero mas maingay lang talaga ito, lalo na kung chismis ang pag-uusapan.
“Hi Cecile, good morning din sayo!” Ganting bati ko dito at saka ako ngumiti dito habang inaayos ang chart na hawak ko para tignan ang magiging pasyente ko ngayong araw.
“Hala! Gurl kamusta na ba kayo ni Dr. Pogi.?” Tanong nito sa habang nagsusulat ng record book naman nito, maganda ang ngiti nitong nakatingin sa akin at makikita dito na kinikilig din ito habang nag-aantay sa magiging sagot ko.
“Sinong Dr. Pogi, ba yang sinasabi mo ha?” Patay malisyang tanong ko dito habang inaayos ang mga gamot na dadalhin ko sa mga pasyente ko mamaya.
“Sus, ito naman. Sino pa ba eh di si Dr. Michael Anderson.? Kamusta na ba ang pangliligaw sayo ng poging yon ha? Ano malaki ba ang pag-asa niya sayo? Saka alam mo bang sa tagal noon dito ikaw lang ang babaeng dinisikitan noon, kahit isa sa amin dito ay hindi niya pinakikitaan ng tulad ng pinakikita n’ya s’yo.” Kinikilig nitong turan sa akin.
“Ha! Eh, hindi naman yon nangliligaw sa akin saka ayoko sag anon klaseng lalaki at mukhang babaero?” Prangkang sagot ko dito at saka inayos ko na rin lahat ng dapat kong ayusin. Nakita ko na kasi itong may kahalikang ibang babae nurse dito sa loob ng hospital hindi ko na lang sinabi kay Cecile dahil ayokong masira ang tingin nila sa lalaking doctor kaya umiiwas na lang din ako dito. Nung una ay masasabi kong humahanga ako dito pero ng makita ko itong maraming hinahalikan na babae nawala ang pagkagusto ko dito mabuti na lang talaga at hindi ako nagpadala sa mga salita nitong matamis, kung hindi ay nakuha na nito ang first kiss ko.
“Oh, wait talaga bang hindi ka niya nililigawan eh ang buong alam dito ikaw na ang girlfriend ni Dr. Pogi?” Laking pagtataka nitong tanong nito sa akin napatayo pa ito sa kanyang kinauupuan at tumingin sa akin na parang may malaki pa itong problema.
“Hindi noh! saka wala akong balak magkaroong ng boyfriend na playboy.” Sagot ko dito na walang panghihinayang at umalis na rin ako sa harapan nito para pumunta sa mga pasyente kong kanina pa rin naghihintay. Ilang sandali pa ay natapos na rin ang duty ko kaya naisipan ko ng umuwi. Pero habang naglalakad ako ay may naramdaman akong sumusunod sakin kaya naman binilisan ko ang paglalakad ang kaso ay isang itim na close van ang huminto sa tapat ko at sapilitan akong pinasok sa loob. Walang gaanong tao dahil gabi na rin kaya walang tumulong sa akin binalot ako ng matinding kaba para sa sarili ko, lalo na ako naiyak ng maisip kong nag-aalala sa akin si Nanay Melanie. Isang lalaki ang naglagay ng panyo sa ilong ko, kaya naman nakaramdam ako ng pag-antok at unti-unti akong lamunin ng dilim tanging tiping dasal na rin ang aking nagawa ng mga sandaling yon at paghingi ng awa para sa kasalanan ko.