Chapter 10 -Annalou- Ilang araw na ako dito sa loob ng isang kuwarto at hanggang ngayon at hindi pa rin ako nakakalabas kahit man sang sa loob ng kuwarto na ito. Ilang beses kong nakausap si Nana Mila pero wala man lang ito ibang sinasabi kung hindi magpakabait ako at baka maaawa sa akin ang alaga nito at palayain na rin ako at mamuhay ng normal. Kahit naman alam kong malabong mangyari iyon dahil d*monyo ang alaga nito, samantalang lord pa ang kanilang tawag. Hindi ko ito kaylan man susundin at kahit ikamatay ko pa ay hindi ko hahayaan na muli nitong hawakan ang aking katawan. Saktong kakatapos ko lang maligo ng pumasok si Nana Mila at tulad ng dati ay may dala itong pagkain. Hindi ko na lang ito kinikibo o kinakausap man lang dahil sa naiinis akong isipin na kaya nitong tiisin na naki

