Chapter 8 -Zen Levy- Napapasuntok pa ako sa saradong pinto ng aking kuwarto ng makapasok na ako dito, at hindi ko maintindihan kung anong nangyari at nagawa ko ang ganong kahayupan sa babaeng yon. Hindi ko man ginustong mangyari yon, pero parang sumama ang mood ko ng sabihin nitong hindi na ito v*rgin at may ibang lalaki ang nakauna na sa akin. Kahit na alam kong nagsisinungaling pa ito ay hindi mapigilan ang aking sarili na magalit dito, dahil alam kong nilalakasan lang nito ang kanyang loob para hindi ko makita ang takot sa mukha nito. Habang nakatingin ako dito ay nakikita ko sa mga mat anito ang matinding galit na ipinupukot nito sa akin, gusto ko man itong parusahan dahil sa pagiging palasagot nito sa akin ay hindi ko magawa dahil sa nahihirapan akong makita na nasasaktan din nama

