Kinabukasan, maaga akong nagising.
At sa hindi ko maipaliwanag na dahilan...
Ang unang hinanap ko ay ang cellphone ko.
Pagkakita ko pa lang sa lockscreen, agad kong napangiwi.
Siraulo na talaga ako.
Dahil ang dahilan kung bakit ko hinanap ang cellphone ko...
Ay para tingnan kung may message siya.
Si Damien.
Napahiga ulit ako sa kama at tinakpan ang mukha ko gamit ang unan.
"Patay."
Mukhang delikado na talaga ito.
---
Pagdating ko sa campus, agad akong sinalubong ni Ahrienna.
Mukhang may energy drink na naman sa umaga.
"Good morning!"
Napakurap ako.
"Bakit parang ang saya mo?"
"Bakit parang ang saya mo?"
Binalik niya agad ang tanong.
Napairap ako.
"Wala."
"Nag-usap kayo no?"
Hindi ako sumagot.
Nanlaki agad ang mata niya.
"OMG!"
"Manahimik ka."
"Hindi talaga kita kayang itagoan."
Napailing ako habang naglalakad kami papuntang classroom.
At bago pa kami makarating...
Biglang may humarang sa amin.
Isang delivery guy.
"Miss Erica Villanueva?"
Napahinto ako.
"Po?"
"Delivery po."
Napakunot-noo ako.
Delivery?
Para sa akin?
Tinanggap ko ang hawak niyang malaking bouquet.
At agad akong natigilan.
Red roses.
Marami.
Sobrang dami.
Halos hindi ko na makita ang mukha ko sa laki.
"AY!"
Napasigaw si Ahrienna.
"ROSES!"
Halos mapatalon siya sa tuwa.
Samantalang ako ay nakatulala lang.
May maliit na card na nakasabit.
Dahan-dahan ko iyong binuksan.
At agad kong nakilala ang sulat.
"For the girl who keeps calling me arrogant."
— Damien
Nanlaki ang mata ko.
"Shet."
Mahina kong bulong.
"Shet talaga!"
Sigaw ni Ahrienna.
"TE!"
Pinagtitinginan na kami ng mga estudyante.
At mas lalo akong nahiya.
---
Hindi ko alam kung paano ako nakasurvive sa buong umaga.
Dahil halos lahat ng kaklase namin ay nagtatanong tungkol sa bulaklak.
"Sino nagbigay?"
"May manliligaw ka?"
"Ang swerte mo naman."
At bawat tanong nila...
Mas lalo lang akong nahihiya.
Bandang lunch break, hindi ko na kinaya.
Kinuha ko ang cellphone ko.
At nag-message.
Me: "Ikaw ba nagpadala nito?"
Halos isang minuto lang.
May reply agad.
Damien: "Obviously."
Napairap ako.
Me: "Pinag-uusapan tuloy ako ng buong campus."
Damien: "Good."
Me: "Damien!"
Damien: "What?"
Damien: "I wanted to make you smile."
Natigilan ako.
At nakakainis dahil...
Ngumiti nga ako.
---
Bandang hapon, matapos ang klase, naglalakad ako palabas ng campus nang may biglang humawak sa braso ko.
Napahinto ako.
At agad nawala ang ngiti ko.
Si Kyle.
"Makausap lang kita."
Pagod ang mukha niya.
Pero hindi na iyon sapat para maawa ako.
"Bitiwan mo ako."
"Erica, please."
"Kyle."
Mahina pero matigas kong sabi.
"Tapos na tayo."
Kitang-kita ko ang sakit sa mukha niya.
Pero wala na akong magagawa.
Matagal ko nang ibinigay lahat sa kanya.
At ubos na ako.
"May gusto ka na bang iba?"
Bigla niyang tanong.
Napahinto ako.
Hindi ko alam kung bakit...
Pero ang unang pumasok sa isip ko ay si Damien.
At mukhang napansin iyon ni Kyle.
Dahil agad nagdilim ang ekspresyon niya.
"Siya ba?"
Tahimik ako.
At mas lalo siyang nasaktan.
---
"Three years, Erica."
Mapait siyang tumawa.
"Three years tayo."
Napalunok ako.
Masakit.
Hindi dahil mahal ko pa siya.
Kundi dahil minsan...
Mahal ko siya nang sobra.
Pero hindi sapat ang pagmamahal kapag wala nang tiwala.
"Kyle."
Huminga ako nang malalim.
"Pinili mong saktan ako."
Tahimik siya.
"At pinili kong umalis."
Tuluyan akong kumalas sa pagkakahawak niya.
At sa pagkakataong iyon...
Hindi na siya sumunod.
Hindi na rin siya nagsalita.
Nanatili lang siyang nakatayo habang pinapanood akong umalis.
---
Paglabas ko ng campus, agad akong napahinto.
May isang itim na luxury car na nakaparada sa tapat.
At kahit hindi ko pa makita ang nasa loob...
Alam ko na agad kung sino.
Biglang bumukas ang bintana.
At lumitaw ang pamilyar na mukha.
Damien.
Naka-white polo.
Nakasuot ng relo.
At nakatingin sa akin na parang kanina pa naghihintay.
Nanlaki ang mata ko.
"Ano'ng ginagawa mo rito?"
Bahagya siyang ngumiti.
"Picking you up."
"Huh?"
"Come with me."
Napakurap ako.
"Saan?"
Sandaling natahimik si Damien.
Pagkatapos ay tumingin siya nang diretso sa mga mata ko.
At doon na naman bumilis ang t***k ng puso ko.
"On a date."
Tumigil ang mundo ko.
DATE?!
At hindi ko alam kung mas nakakagulat ba iyon...
O ang katotohanang gusto kong sabihin ang salitang—
Yes.
Hindi ko alam kung ilang segundo akong nakatulala sa kanya.
Parang hindi nag-register agad sa utak ko ang sinabi niya.
Date.
DATE.
Ako?
Kasama siya?
"Ano?"
Iyon lang ang naisagot ko.
Bahagyang napangiti si Damien.
Parang natutuwa sa reaksyon ko.
"Date."
Ulit niya.
"Narinig ko."
Mabilis kong sagot.
"Tinanong ko lang ulit."
Napatawa siya nang mahina.
At grabe.
Nakakainis dahil ang gwapo niyang tumawa.
---
"Damien."
Napakagat ako sa labi.
"Bakit?"
Napataas ang kilay niya.
"Bakit ano?"
"Bakit ako?"
Natigilan siya.
Parang hindi niya inaasahan ang tanong.
Sandali siyang natahimik bago sumagot.
"Because I want to."
Simple.
Diretso.
At lalong nakakakaba.
Hindi ko alam kung ano ang sasabihin.
Kaya natahimik na lang ako.
At mukhang iyon na ang naging sagot ko.
Dahil maya-maya ay bumaba siya ng sasakyan at binuksan ang pinto para sa akin.
"Gentleman naman."
Bulong ko.
"I heard that."
Napangiwi ako.
Narinig pala.
---
Tahimik ang biyahe noong una.
Ako ang tahimik.
Hindi siya.
Paminsan-minsan ay nagtatanong siya.
Tungkol sa school.
Sa course ko.
Sa mga bagay na gusto ko.
At nakakagulat dahil nakikinig talaga siya.
Hindi iyong naghihintay lang na siya ulit ang magsalita.
Talagang nakikinig.
At sa hindi ko namamalayan...
Unti-unti akong naging komportable.
---
"Saan tayo pupunta?"
Tanong ko.
Ngumiti siya.
"Secret."
Napairap ako.
"Ang tanda mo na para maging mysterious."
"Mas matanda ka?"
"Hindi."
"Exactly."
Napabuntong-hininga ako.
Nakakainis talaga.
---
Ilang minuto pa ang lumipas bago huminto ang sasakyan.
At nang makita ko kung nasaan kami...
Nanlaki ang mata ko.
Hindi ito mamahaling restaurant.
Hindi rin five-star hotel.
Hindi rin kung ano mang sosyal na lugar.
Isa itong maliit na food park.
Punong-puno ng ilaw.
Masayang mga tao.
At amoy pagkain.
Napalingon ako sa kanya.
"Seriously?"
Tumango siya.
"Ayaw mo?"
"Hindi."
Umiling ako agad.
"Gusto ko."
At totoo iyon.
Mas gusto ko pa nga ito.
Mas simple.
Mas totoo.
Mas komportable.
---
Buong gabi kaming naglakad.
Kumain.
Nagkwentuhan.
At tumawa.
Parang normal na tao lang siya.
Hindi CEO.
Hindi bilyonaryo.
Hindi sikat.
Si Damien lang.
At habang tumatagal...
Mas lalo kong nakikita ang totoong siya.
Yung lalaking nasa likod ng malamig na imahe niya.
---
"Anong pinakamalaking pangarap mo?"
Bigla niyang tanong habang nakaupo kami sa isang bakanteng table.
Napaisip ako.
Marami.
Pero isa lang ang pinili kong sabihin.
"Gusto kong maging successful."
Tumango siya.
"Good."
Napatawa ako.
"Good lang?"
"What?"
"Akalain mo naman emotional ang sasabihin mo."
Napangiti siya.
"Success suits you."
At ewan ko.
Pero parang may kung anong lumundag sa dibdib ko.
---
Bandang alas nuwebe ng gabi nang ihatid niya ako pauwi.
Tahimik ulit ang biyahe.
Pero hindi awkward.
Komportable.
At parang pareho naming ayaw matapos ang gabi.
Pagdating sa condo, agad akong bumuntong-hininga.
Tapos na.
Nakauwi na ako.
Safe.
Normal.
Pero bago ako makababa...
May nagsalita.
"Erica."
Napalingon ako sa kanya.
At unang beses kong nakita ang seryosong ekspresyon niya buong gabi.
"Thank you."
Mahina niyang sabi.
Napakurap ako.
"Bakit?"
"For coming."
Napangiti ako.
"Thank you rin."
Sandaling natahimik ang dalawa.
At sa pagkakataong iyon...
Parang may gusto siyang sabihin.
Parang may gusto siyang aminin.
Pero hindi niya ginawa.
Sa halip...
Ngumiti lang siya.
"Good night."
"Good night."
Lumabas ako ng sasakyan.
At habang naglalakad papasok ng building...
Hindi ko mapigilan ang sariling ngumiti.
---
Ngunit sa kabilang bahagi ng kalsada...
May isang sasakyang nakaparada.
Tahimik.
Madilim.
At mula roon ay may taong nakatingin.
Nakatingin sa akin.
Nakatingin kay Damien.
Mahigpit ang pagkakahawak sa manibela.
At puno ng galit ang mga mata.
Si Kyle.
At nang makita niyang ngumiti ako habang bumababa sa sasakyan ni Damien...
Parang may tuluyang nabasag sa loob niya.
"Dapat ako 'yan."
Mahina niyang bulong.
At sa unang pagkakataon...
Naramdaman niyang tuluyan na niya akong nawawala.