Isla's POV Mahal na mahal pala talaga ni Rain si Alunsina, yun yung pagmamahal na kahit walang kapalit handa ka pa ding gawin ang lahat. Nakita ko lahat ng sakripisyo nya, simula noong kami pa. Lagi nyang inisaalang - alang ang kapakanan ni Alunsina kahit sya ang malagay sa alanganin. Yun naman talaga ang natutunan kong mahalin kay Rain. Hanggang sa huling hininga nya ay para kay Alunsina nya pa din nilaan. Alam ko ang mga ginawa nya kaya sya umabot sa ganoon. Noong nagsabi sya sa mga magulang nya tungkol sa kagustuhan nyang makasal agad, hindi na sya uminom ng gamot, niluluwa nya rin lahat ng kinakain nya. Nilunod nya ang sarili nya sa sakit nang hindi nakikita nang kahit na sino, maliban sa akin. Ako lang naman ang nakakakilala sa kanya sa mga ganitong sitwasyon. Ngayon ay nakaburol s

