CHAPTER 2

1414 Words
[DIANNE'S P.O.V.] "Hoy butete halika nga rito." Tawag ko sa kaklase kong kanina patingin-tingin sa'kin. Mataba ito na kasing taba ng sumo wrestling ngunit mababa ang height niya. Nakayuko ito habang papalapit sa'kin. "Bakit Goddess?" Napahalukipkip ako sa kanya. "Nakita mo ba ang mahal kong si Patrick?" "Hindi po ako pumatay sa kanya wala po akong alam." "Anak ng putakte wala namang akong sinasabing ikaw ang pumatay. Hinahanap ko si Patrick Corpuz. Yung famous dito, Gwapo matangkad magiging boyfriend ko." Inis kong sagot. Ito kasing si Butete ang palaging nabu-bully sa school namin walang araw na hindi siya nabu-bully sa school. Actually, hindi naman butete ang tunay niyang name tawag ko lang sa kanya iyon ang talagang pangalan niya ay Brozxeil. "Si Boss Patrick ba yung kasing gwapo ko?" Lumiwanag pa ang ngiti niya. Napangiwi ako. "Wag mong ihambig siya sa'yo butete umiinit ang ulo ko sa'yo." "Sorry, Goddess." "So nasaan na siya?" "Bakit mo sa'kin hinahanap hindi naman ako police." Tumaas ang kilay ko, kung hindi lang ito close kay Patrick binigyan ko na ito ng isang malupit na sipa at sampal. My G! Nakakawala ng ganda. "Anong kinalaman ng police sa tanong ko?" "Di ba sa police tinatanong ang mga nawawalang tao." Sabay halakhak nito. "Aba't siraulo." "Bugbog O dignidad?" "Joke lang naman Goddess kasama siya ng mga kaibigan niya nandoon sila sa billiard." Sinipat ko ang orasan ko. "Oras ng klase nasa billiard sila at nag cutting class naman sila." Tumingin ako sa kaniya. "Salamat." Nagpakendeng kendeng ako habang naglalakad. Ganito talaga ako kapag naglalakad gumagalaw ang pwet ko. Ako yata ang pinaka seksing estudyante ng SPIA. Hindi pala kaming dalawa ni Allyson. Speaking of Allyson. Ayon! Masyadong obsess  kay Frits Santiago na walang ibang ginawa kung hindi ang ipahiya siya. Hindi ko nga alam kung bakit hanggang ngayon nababaliw si Allyson kay Frits. Mas gwapo naman ang Patrick my love ko do'n sobrang approachable pa siya hindi katulad ng Frits na iyon na walang ginawa kung hindi ang  sumimangot maghapon. Sayang ang itsura niya, ang dimples niya hindi naman marunong ngumiti. Mabuti na lang hindi gano'n si Patrick ko. Mag-isa akong pumunta sa tambayan nila. Si Allyson kasi sinundan si Frits kanina kaya it's my turn para magpa-cute sa future boyfriend ko. Saglit akong huminto ng malapit na ako sa tambayan nila. Dinukot ko ang salamin ko ang sarili. "Perfect!" Sambit ko sa sarili ko. Taas noo akong lumapit sa kanila. "Hello!"sinadya ko pang lambingin ang boses ko. Agad ko namang nakuha ang atensiyon nila siyempre ang Patrick my love ko tumingin sa'kin. "O.M.G it's a big heart ang nakikita ko sa kanya. He smile at me na para bang sinasabing i love you Diannne. Kyaaahh!" "Hello, Dianne!" Nakangiting bati sa'kin ni Luke Perez ang pinaka babaero sa lima. Hindi ko pinansin si Luke siyempre hindi naman siya ang sadya ko rito si Patrick my love. "Hi, Future Boyfriend!" Sa isip-isip ko. "Ehem! H-Hello, Patrick." Sinadya ko talagang magpacute ng boses at magpamahinhin move. "Hi, Dianne." Sagot ni Patrick nang hindi man lang ako pinagtuunan ng pansin. Napawi ang ngiti ko at ang lakas ng loob ko. Nakakainis! Alam mo yung todo pa-cute ka, yung nagpraktis ka pa ng tamang sasabihin mo. Kung paano ka kikilos sa harapan niya tapos ganito lang? As in ganito lang! Hindi man lang niya ako pinansin. Kahit sana pansinin niya ang bagong design ng kuko ko or kahit yung kulay na lipstick ko na ngayon ko lang ginamit. It's a big s**t! A big! Big! Grrr! "A-Ahh, P-Patrick my gagawin ka ba sa sabado?" Lakas loob kong tanong. "Ako Dianne walang gagawin." Sabad ni Luke. I glared. "Wala akong pakialam playboy hindi ikaw ang kausap ko." "Ako rin Dianne, free foods ba 'yan?" Sabad naman ni Drek Andrew. "Isa pa 'tong baboy na ito nakakapag-init ng ulo." "Ako rin Dianne, basta libre mo sasamahan kita kahit sa taas ng heaven." Sabay kindat ni Troy. Napangiwi. "Manyak!" "Pwede naman sana kaya lang may gustong kasing makipag date kay Patrick sa sabado. Guys! Hindi ko sinasabi ako iyon pero parang gano'n na nga." Tumingin pa ako kay Patrick at matamis na ngumiti nagbabakasakali akong titingin siya sa'kin at maakit siya sa ngiti ko. "Naku! Mga bro si Patrick pala ang nag wagi." Sabi ni Luke. "Sorry, may lakad ako sa sabado." Ang bwiset hindi man lang ako tingnan. Hindi naman ako mukhang kabayo or nakahubad. Grrr! Kapag ba talaga gwapo may side na snobero. "Ah, Okay! Pero kung may free ka some other time just call me." "Okay, anyway bakit ka ba nandito?" Tanong ni Patrick. "Nagiging slow rin pala kapag gwapo. Tsk!" Mahina kong sabi. "May sinasabi ka Dianne." Muling tanong ni Patrick. "Ha? Sabi ko napadaan lang ako rito hinahanap ko kasi si Allyson." "Hindi kami hanapan ng nawawalang babae." "Edi, wow!" "Ano uli iyon?" "Ha? Wala sabi ko gwapo ka kaya lang bingi ka." "Umalis ka na baka isipin ng iba babae ka namin." Ngiting aso akong ngumiti kay Patrick  kahit ang totoo gusto ko na siyang bigyan ng mag-asawang sampal. "Okay, see you later, bye!" Pumihit ako patalikod pagkatapos naglakad ako palayo. "Bullshit! Nakakainis akala mo sinong gwapo." Agad kong tinawagan si Allyson nang makauwi ako ng bahay. Siguro nga tinadhana kaming dalawa na binabasted ng taong gusto namin. Siya para kay Frits at ako para kay Patrick. Ngunit hindi ko matawagan si Allyson dahil busy ang linya niya. "Siguro tinatawagan niya si Frits. Tss.. ang bruhang iyon baliw na baliw kay Frits." Ipinatong ko sa side table ang cellphone ko pagkatapos gumawa ako ng assignment ko. Ilang minuto pa lang ang nakakalipas biglang tumunog ang cellphone ko. Unregister  number iyon. "Hillu! Napangiwi ako sa boses na iyon kaya agad kong pinutol ang tawag niya pagkatapos muli kong pinagpatuloy ang paggawa ko ng assignment. Ilang segundo pa lang ang lumipas muli namang tumunog ang cellphone. Tunog ng mga text kaya inihinto ko ang ginagawa ko upang tingnan ang nagtext. "Hillu. Pidi makipagtiksmit." "Ako pala si Shrik ikaw?" "Hillu, r u still der?" "Gosto ku lang ng tiksmit." Iyon ang mga text na nabasa ko nagmumula sa iisang numero. Halos gusto kong itapon ang cellphone ko sa galit. Imagine nakikipagtextmate jejemon pa na hindi maintindihan. Grrr! "Stop! Texting me?! Baduy!" Sunod-sunod kong reply sa numerong iyon na halos iisang text lang sinabi ko. "Bwiset! Basted ka na nga sa mahal mo may pesteng pang nagbwi-bwiset. Hayss. My face ayokong ma-stress." Inalis ko ang sim ko at itinapon sa basurahan. Bibili na lang ako ng bagong sim.                            ****** NANLAKI ang mga mata ko nang makita ko si Allyson na kasama si Frits. Ang bruha walang mapaglagyan ang ngiti habang ang mga babaeng nakatingin sa kanila ni Frits hindi na maipinta sa galit sa kanya. Hindi ako lumapit sa kanilang dalawa dahil ayokong masira ang moment nilang dalawa ito pa naman ang pangarap ni Allyson ang makasama si Frits ngunit paanong nangyari anong himala ang nangyari. "Ang saya mo ah!" Bati ko sa kanya nang magkatabi kami sa upuan. Feeling ko naghuhugis puso ang mga mata ni Allyson ng humarap sakin. "Me and Frits are sweet couple." Ngiting-ngiti pa siya. Kumunot-noo ako. "Talaga?!" Hindi ako makapaniwalang tanong. Tumango-tango siya. " Yeah, official ko na siyang boyfriend." Sabay tili nito. Sumimangot ako. hindi sa naiinggit ako pero parang gano'n na nga. Hindi ako makapaniwalang sasagutin na siya ni Frits. Samantalang hindi nga nakikipag-usap si Frits sa kanya kung papansin naman siya susupladuhan lang siya. Himala talaga ang nangyari. "Sabihin mo nga sa'kin, saan ka bumili ng gayuma?" Tumaas ang kilay niya. "Gayuma?" "Oo, gayuma! Ginayuma mo siya kaya ka pinansin. Sabihin mo nga para makabili rin ako." "Hindi ko siya ginayuma gandang natural lang ang ginamit ko." "Aysus! Kwento mo sa pagong. Saan nga?" "Hindi ko siya ginayuma kaya manahimik ka na lang diyan, maging masaya ka na lang para sa'kin. "Tsk! Tsk! Sana lang maging masaya ka diyan sa ginawa mo." Sabi ko. Natahimik si Allyson. Siguro hindi niya kayang sabihin ang totoo pero alam kong sasabihin niya rin sa'kin iyon. Kami lang naman dalawa ang nagsasabihan ng problema. Habang naglelecture ang professor namin nararamdaman ko ang pag vibrate ng cellphone ko. Kinuha ko iyon at tadtad naman ako ng text. Ang akala ko isa sa mga kamag-anak ko ang nagtext dahil sila lang naman ang nakakaalam ng bago kong numero. Ngunit laking gulat ko nang mabasa ko ang mga text. "Good morning, my name is shrik. i know ur name is fiona." "Pidi makepagtiksmit." "Damn! Shittt!" Nanggigil kong sigaw. "What is wrong with you Miss Rutcher." Saka ko lang napagtanto na nasa loob kami ng classroom. Pinandilatan ako ni Allyson na parang sinasabi niyang "Anong kabaliwan 'yan girl." Tumayo ako. "I'm sorry sir." Matalim na tingin naman ang pinukol ko sa mga kaklase kong tsimosa. "Bwiset! Paano niya nalaman ang number ko. Kainis!" Sa isip-isip ko. —> Sino kaya iyong textmate niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD