CHAPTER 5

3556 Words
HALOS kaladkarin ako ng dalawang babae paalis sa living room na iyon. Ang isang maid, nagpaiwan sa loob para malinisan ang naiwang dugo ni Douglas. “B-Bitawan n’yo na nga ako! Ano ba!” Pilit akong kumalas sa pagkakahawak nila sa ‘kin pero kinakapitan nila ng mahigpit ang magkabilang mga braso ko. Tinatahak na namin ngayon ang malawak na hallway ng mans’yon na ‘to. “Kaya ko naman mag-lakad mag-isa!” sigaw ko pa habang ume-echo ang aking boses sa buong hallway pero wala pa rin silang kibo. Ni wala akong nakikitang kahit anong reaction sa kanilang mga mukha. They have a dead expressions on their faces. Napansin ko ring nasobrahan sila sa formality. Ang pormal nilang gumalaw. They look like robots. Gusto ko lang na bitawan nila ako dahil ang higpit ng pagkakagapos ng mga kamay nila sa mga braso ko. “A-Ano ba! Kaya ko na nga ang sarili ko! Hindi ako tatakas sa inyo!” Hinihila nila ako papuntang elevator sa gitna ng kaliwang pader nitong hallway. “Anong kaguluhan na naman ito?” Biglang napa-tigil sa pag-hakbang ang dalawang maids kaya ganoon din ako. Salitan ko silang tinitigan at napa-kunot ang noo ko dahil niyuko nila ang kani-kanilang mga ulo. “Godfather,” mahinahong usal nila sa malumanay na boses. Ilang sandali pa, may narinig akong mahihinhin na mga yapak na papalapit sa aming kinaroronan. Hinarap ko kung sino iyon. “Sinong magandang dilag na hawak-hawak n’yo?” Bahagyang napa-urong ang aking mga paa na’ng masilayan ko ang isang matandang naglalakad palapit sa ‘min. May kapit s’yang tungkod sa kanan n’yang kamay. Naka-kurba ng konti ang malapad n’yang likod. Lumunok ako ng sunod-sunod dahil ang laki n’ya ring tao pero halatang mahina na dahil naka-tungkod na. Halos kulay puti na rin ang kan’yang mga buhok. “S’ya si Miss Anghelina Malafronte, Don Dario. Ang babaeng mapapangasawa ni Boss Kruger,” paliwanag ng babaeng naka-tayo rito sa kaliwang gilid ko. Wala akong kibo habang tinititigan ang matanda. “Such a beautiful girl but she soaked in blood.” I gulped. Buong-buo pa ang boses n’ya. Dire-diretso pa mag-salita at maganda pakinggan ang kan’yang English accent. Kinikilatis ko ng maiigi ang kan’yang mukha. Wala man lang akong nasilayang kulubot. Buhok n’ya lang ang nag-dala para mag-mukhang matanda. Parang hindi rin basta-basta ang taong ito. Base sa pag-t***k ng puso ko, parang may mataas s’yang trono sa bahay na ‘to. Ang lakas ng dating n'ya. “S-Sino po kayo?” magalang kong tanong na’ng huminto s’ya sa aking harapan na may sapat na distans’ya. Kahit bahagyang naka-kurba ang likod n’ya, mas matangkad pa rin s’ya sa ‘kin. How much more kung tatayo na s’ya ng tuwid? “Huwag kang matakot, magandang binibini. Ako ang ama ni Kruger Demorgon. Ako si Dario Demorgon,” mahinahong pakilala n’ya sa ‘kin sa napaka-banayad na boses. Nilunok ko ng sunod-sunod ang aking sariling laway dahil may pumasok bigla sa isip ko na puwede akong maka-labas dito. “S-Sir, may gusto po sana akong sabihin sa iyo… Makikiusap po sana ako…” Nagmakaawa ako sa pamamagitan ng aking boses. Mangiyak-ngiyak din akong naka-titig sa kan’ya kahit sinadya ko na iyon. Naka-titig lang s’ya sa ‘kin sa kalmadong tingin na mas ikinagaan ng loob ko. “Release her.” Pagkasabi pa lang n’ya iyon, agad-agad akong binitawan ng dalawang maids. “Sabihin mo, binibini.” Umaliwalas agad ang mukha ko dahil nagkaroon ako ng pag-asa. “S-Sir, g-gusto ko po sanang umalis dito. Uuwi po ako sa ‘min. Nagaalala na po ang pamilya ko sa ‘kin,” nagmamadaling usal ko. Hindi agad s’ya naka-sagot sa ‘kin na parang pinagiisipan pa ang kan’yang mga sasabihin. Ako naman ‘tong kinakabahan sa maaari kong marinig ngayon. “S-Sir, si D-Douglas po. Pinatay po s’ya ng anak n’yo!” mahinang sigaw ko. “Nangyari na pala. Magandang balita iyan.” Natigilan ako sa tugon n’ya sa ‘kin at ngumiti pa. “Ikaw pala ang tinutukoy ni Kruger na bibiktimahin ni Douglas.” Ilang beses ko s’yang tinanguan. “O-Opo Sir… wala naman akong kasalanan. Please Sir sabihin n’yo sa anak n’yo na pauwiin n’ya na lang ako. Tama po kayo, biktima lang po ako rito!” Umigting pa ang kan’yang ngiti sa mga labi. Nasilayan kong kumpleto pa ang kan’yang mga ngipin sa unahan. “Ang hiling mong iyan, hindi ko kayang maisakatuparan, Binibini. Mukhang ikaw ang napili ng aking pinakamamahal na anak para maisilang ang aking magiging apo.” Dahan-dahan akong umiling. “Mahigit thirty million ang nawala kay Kruger. Ginamit iyon ni Douglas para bilhin ka. Tanggapin mo na lang ang iyong kapalaran, Binibini.” Unti-unting humupa ang sigla ko. Nanlumo ako. “Kapag nagmatigas ka pa, sigurado akong hindi lang ikaw ang mapapahamak sa kamay ng aking anak dahil pati pamilya mo, idadamay ni Kruger. Gusto mo ba iyon?” Kinuyom ko ang aking mga kamao at niyuko ko na lang ang aking ulo. “Lando, tara na. Ipasyal mo na ako sa hardin.” “I am coming, Godfather!” Nabigla ako na’ng marinig ko ang isang malalim ngunit malumanay na boses lalake pero parang babaeng-babae pakinggan. Inangat ko ang aking ulo dahil may naririnig akong mga yapak na patungo sa kinaroroonan naming lahat. Tumagos ang aking tingin sa isang lalakeng parampang naglalakad. Sa lambot ng kan’yang galaw, I think he is gay. He was wearing a white uniform na parang may clue na ako kung ano ang position n’ya rito. “Meet my personal nurse, Lando Herrer.” Tumigil s’ya sa tabi ni Don Dario. Napa-tikom ako ng bibig dahil sinamaan n’ya ako ng tingin. Tinaasan pa ako ng kilay tapos nginiwian. “Who is this, Godfather?” maarteng tanong n’ya sa impit na impit na boses. “She is Anghelina Malafronte, future bride of my son—“ “WHAAAAAAAAAAAAAAAT?!” Napa-igtad saglit ang aking katawan. Umalingawngaw kasi ang sobrang tinis n’yang boses sa buong mans’yon. Pati si Don Dario, nabigla at dahan-dahan n’yang binalingan ng makahulugang tingin ‘yong Nurse. Na’ng ma-realize n’yang naka-titig sa kan’ya si Don Dario, dinakma n’ya agad ang sariling bibig. “Nais mo bang hatawin ulit kita ng aking tungkod, Lando?” Mabilis na umiling-iling ang lalake. “Kapag narinig kang sumigaw ni Kruger, baka magiging hapunan ka ng alaga n’yang black puma. Gusto mo ba iyon?” He shook his head again. Nakakakilabot talaga rito. Ang delikado ng lugar na ‘to. Pakiramdam ko, kapag nagkamali ako, ipapalapa nila ako sa sinasabi nilang mabangis na alagang pusa ni Kruger. “P-Pardon me, Godfather but totoo bang magiging asawa ni Daddy Kruger— I mean, ni Boss Kruger ang babaeng ito? How is it possible? Bakit s’ya magpapakasal sa isang mababang uri?” Nginingiwian n’ya ako habang binabanggit ang mga salitang iyon. Pinapalagpas ko lang sa kabilang tainga ko ang mga sinasabi n’ya dahil wala akong panahon para intindihin pa s’ya. Ang nasa isip ko ngayon, kung paano ako makakatakas dito. Hindi ako safe sa lugar na ‘to. Kahit milyon-milyon ang utang namin kay Kruger, hindi ko naman kasalanan kung ginamit ni Douglas ang pera n’ya! “Iyan ang kagustuhan ng anak ko. Si Anghelina ang sisilang ng aming tagapagmana.” Hindi ako papayag. Hindi ko kayang magpabuntis sa lalakeng walang kaluluwa. Tinitigan ulit ako ni Don Dario. “Tawagin mo lang akong lolo, Anghelina. Dito ka na titira kasama naming lahat kaya iyan ang gusto kong itatawag mo sa akin. Maliwanag ba?” Mas umigting ang lalim ng titig n’ya na tila dapat akong sumagot. Hindi ko s’ya tinugunan. Tumango na lamang ako. “Lando, umalis na tayo.” Kinapitan na s’ya ng Nurse inalalayang mag-lakad. Bago nila ako tuluyang malagpasan, iniwasan ko agad ng tingin ‘yong Lando dahil sobrang talim ng pagkakatitig n’ya sa ‘kin. “Dadalhin ka na namin sa magiging silid mo, Miss Anghelina.” Narinig kong nag-salita ulit ang maid sa kanan ko. “Huwag n’yo na akong hawakan. Susunod ako sa inyo,” mahinang usal ko. Na’ng humakbang ulit sila, sinundan ko agad. Tinungo namin ang kinaroroonan ng elevator. Pinasok namin iyon. Hindi ko na sila pinansin hanggang sa gumalaw ang elevator pataas. Naka-tulala lang ako sa sahig. Ilang segundo lang ang lumipas, bumukas na pahati ang pintuan ng elevator. Naunang lumabas ang dalawang maid. Humakbang naman ako paalis para masundan sila. Pag-angat ko ng aking ulo, nasilayan ko ang malawak na hallway. Nasa harapan namin naka-hilera ang mga pintuan. Napansin kong bawat pintong iyon, may naka-ukit na ulo ng black puma. Tahimik kong sinundan ang mga maid. Tumigil ako na’ng huminto sila sa unang pintuan. “Sa palapag na ito matatagpuan ang mga special room at ito ang kuwarto mo, Miss Anghelina.” Pumasok na kami sa loob. Bumulaga agad sa ‘kin ang magarang silid. This room has wide space. May king sized bed sa gitna. May balcony sa kanan. Sa kaliwang pader naman naroroon ang dalawang pinto na hindi ko alam kung ano-ano ang mga iyon. Tumingala ako sa kisame. May tatlong classic chandelier na nagbibigay ng light yellow na ilaw. Kulay puti ang lahat ng nakikita ko. Mula sa kama, unan, bed sheet, fur carpet sa ilalim ng kama at maging tiles. Ang mga muwebles ang ang naiiba. May swivel chair and personal table sa left side ng bed. Sa left side naman, may side table na nandoon naka-lapag ang lampshade habang nasa nasa gilid ang isang black vase with white roses. Ang bango-bango pa rito. Pinapakalma ako ng halimuyak na iyon. Humugot ako ng maraming hangin at dahan-dahang binuga iyon sa bunganga ko habang naka-pikit. “Miss Anghelina, papaliguan ka po namin sa loob ng bathroom.” Kumunot bigla ang noo ko sa binanggit ng isang maid. Minulat ko ang mga mata ko. Hinarap ko s’ya rito sa gilid ko. “Kaya kong linisan ang sarili ko—“ “Hindi po namin puwedeng suwayin ang utos ni Boss Kruger. Mapapahamak po kami,” mabilis n’yang tugon at doon na nila ako hinila papunta sa unang pinto sa kanang bahagi ng pader. Pinasok namin iyon. Kahit ang bathroom, halos kulay puti lahat ng nakikita ko. Walang ibang kulay na naka-halo, kundi white and black lang. Dumiretso kami sa shower. Hinubaran nila ako. Sa pagkakataong ito, hindi na ako nagpumiglas pa dahil hindi ko naman gustong maparusahan sila na’ng dahil sa ‘kin. Pagkatapos nila akong mapaliguan, they guided me towards the built-in bathtub na rectangular shape. Kulay puti ang tubig na tila may hinalong gatas. Umusok-usok pa iyon. Pinalusong nila ako roon at umupo na ako. Naramdaman ko agad ang maligamgam na tubig. Nanunuot iyon sa aking katawan. Habang naka-babad, hindi ko maiwasan magisip ng paraan kung paano ako maka-alis sa lugar na ‘to kahit ang imposible. Lumipas ang mahigit trenta minutos, umalis na ako sa bathtub at binanlawan ulit nila ako sa shower. Binihisan nila ako ng black bathrobe bago lumabas sa loob ng bathroom. Pinasok namin ang pangalawang pinto kung saan naroroon ang walk in closet. Namangha pa ako sa dami ng mga gamit lalong-lalo na ang iba’t-ibang uri ng kasuotan. Hindi muna nila ako binihisan. Tinungo namin ang make-up area. Pinaupo nila ako sa upuan habang naka-harap sa vintage mirror na hugis bilog. Naka-lapag ang malaking salamin na iyon sa ibabaw ng mesa. Pinatuyo muna nila ang aking buhok bago sinuklay. May nilagay pa silang kung ano-ano sa buhok ko. Mukhang pabango yata iyon. Tinalian pa nila ng itim na ribbon sa gitna habang naka-lugay lang ang dulo ng aking buhok sa aking likod. Hindi nag-tagal, binihisan na nila ako ng isang plain white dress na may tigiisang strap sa aking dalawang balikat. Hanggang binti ko ang haba ng bagsak na palda. “Maiwan ka po namin muna dito, Miss Anghelina. Darating mamaya ang personal servant mo. Hintayin mo na lang s’ya rito.” Na’ng maka-labas na kami sa walk in closet, pinaupo na nila ako sa kama ko. “S-Sige, salamat.” Saglit silang yumuko sa aking harapan bago nilisan ang k’warto na ‘to. Na’ng sinara nila ang pinto, doon ako bumuga ng marahas na hininga. Hindi na ako duguan ngayon. Malinis na ulit ako samantalang kanina, nabahiran ako ng maduming dugo ni Douglas. Sinusubukan ko talagang huwag nang alalahanin ang nakita ko kung paano s’ya binawian ng buhay ni Kruger. Mas’yado silang mapusok. This place is so creepy and weird. Pakiramdam ko, punong-puno ng sikreto ang lugar na ‘to. I know this is not a typical village sa dami ng bantay at may nakakamatay pang mga sandata. Pero, masama talaga ang kutob ko. Baka may ginagawa silang iba pang illegal? Kung matatandaan ko pa kanina, nasabi mismo ni Kruger na ibebenta nila ang lamang loob ni Douglas. Ibig sabihin, may mga connection sila sa mga black market? Pati na ‘yong mala-demonyong gawain ni Douglas. ‘Yong pagbebenta ng mga gore clip at mga organ mismo ng biktima n’ya. Hayup s'ya. Ganoon din sana ang mangyayari sa ‘kin kung hindi s’ya pinatay ni Kruger. “Miss Anghelina? Maaari ba akong pumasok?” Naudlot ang malalim kong pagiisip na’ng may narinig akong boses sa labas mismo ng pinto. “S-Sige!” sigaw ko na lang. Bumukas agad ang pintuan at na’ng binalingan ko iyon ng tingin, isang babaeng naka-maid in uniform din. Sinalubong n’ya agad ako ng isang matamis na ngiti. Nginitian ko naman s’ya pabalik dahil s’ya ang unang maid na nginitian ako. Ang dalawang nag-asikaso kasi sa ‘kin kanina, ang seryoso nila at hindi ako magawang matitigan diretso sa mga mata ko. Huminto ang babae sa aking harapan habang naka-upo lang ako rito sa gilid ng kama. “My name is Crista, Miss Anghelina. I am your servant. Ikinagagalak kong pagsilbihan kayo.” At yumuko s’ya sa ‘kin ng 90 degree angle. Tumayo ulit s’ya ng tuwid pero naka-yuko pa rin ang ulo n’ya ng konti. “Ako na ang makakasama n'yo lagi, Miss Anghelina. Kapag may kailangan po kayo, sabihan n’yo lang ako,” magalang n’yang usal. “Nice meeting you, Crista.” Nakipagkamay ako sa kan’ya. “Miss Anghelina, ipaghahanda ko lang ang hapunan n’yo mamaya. May nais ka bang ipaluto sa ‘kin?” tanong n’ya pa. “H-Hindi ako kakain. Hindi naman ako nagugutom,” tutol ko. Hindi ko kayang kumain dahil bumabaliktad ang sikmura ko sa mga nasaksihan at narinig ko ngayon. “Mawalang galang na po pero hindi po maaari. Bilin sa ‘kin ni Boss Kruger ay pakainin po muna kayo bago kita ihatid sa kan’yang silid mamayang gabi.” Bumilis ang kabog ng dibdib ko. Muntik ko na’ng makaligtaan na may sinabi pala si Kruger na gan’yan bago ako lumisan kanina sa living room. “K-Kinakailangan ba talagang pupunta sa kuwarto n’ya?” mahinang tanong ko. “Opo, Miss. Lalatiguhin ako kapag hindi ko nagawa ang naitala sa ‘kin.” Pilit akong napa-lunok. Hindi na ako nakapagsalita pa hanggang sa nag paalam s’ya sa ‘kin na lisanin itong kuwarto ko. Mas lalo tuloy akong kinabahan. Iniisip ko na ngayon kung ano ang gagawin n’ya sa ‘kin sa loob ng kuwarto n’ya. Kung ano man ‘yon, hindi pa ako naka-handa. I was biting my nails while sitting on my bed. I am getting anxious. Hindi ako umalis sa kama ko. Kahit gustuhin kong itulog na lang ‘tong iniisip ko pero hindi ko magawa. Natatakot akong ipikit ‘tong mga mata ko at baka mapanaginipan ko ang mga hindi ko dapat makita sa panaginip. Hindi ko namalayan na naggagabi na pala. Pumasok ulit si Crista dala-dala ang bed tray table. Ang dami n’yang niluto na iba’t-ibang putahe para sa iisang tao lang. Ni hindi ko nga nagalaw ang ibang pagkain. Dalawang subo ng kanin at ilang pirasong gulay lang ang pumasok sa tiyan ko. Sinasabayan ko na lang ng tubig para diretso na agad doon. May steak naman pero hindi ko tinikman. “Ang konti naman ng kinain n’yo, Miss pero okay lang dahil ang importante, kumain po kayo,” masayang sambit n’ya bago kinapitan ang magkabilang gilid ng tray table. Binuhat n’ya iyon paalis sa kama ko. Nagpasalamat muna ako sa kan’ya bago lumakad papuntang banyo. Nag-tooth brush ako roon at nag-mouth wash. Pag-labas ko, naka-abang na si Crista. “Oras na para mahatid ko po kayo sa silid ni Boss Kruger.” Palihim kong kinagat ang likuran ng aking labi. “Naghihintay na s’ya. Sundan n’yo po ako.” Wala akong nagawa kundi sinundan nga si Crista. Bakit ba kasi sila namamarusa ng mga maid dito. Nabahala ako sa binanggit n’ya kaninang lalatiguhin s’ya. Kapag nagmatigas ako rito, iyon ang mangyayari sa kan’ya. Sumakay kami ng elevator. Nakita kong pinindot n’ya ang floor 7 button. Tahimik na naman ako sa loob habang nasa tabi ko lang si Crista. Naka-yuko ulit ako sa sahig. Pinaparamdaman ko ang panlalamig ng aking mga kamay at talampakan. Ilang saglit lang, bumukas na ang pintuan ng elevator. “Magandang gabi, Boss Kruger. Narito na po si Miss Anghelina.” At dahan-dahan kong inangat ang aking ulo. Saglit na napa-tigil ang aking pag-hinga na’ng direktahan kaming nahatid sa silid mismo ni Kruger. Nag-tama ang aming paningin. Naka-upo s’ya sa mahabang Cleopatra sofa. Sa paanan ng malaki n’yang kama iyon naka-puwesto. Naka-buka ang kan’yang mga hita. He was wearing a black bathrobe. It emphasizes the paleness of his skin. Lalo lang s’yang pumuti sa kulay ng bathrobe na ‘yon. Sunod-sunod ang lunok ko na’ng masilayan ko ang mabasa n’yang buhok. May kapit-kapit na whiskey glass ang kanan n’yang kamay habang sa kaliwa naman, ipit-ipit ng hintuturo at gitnang daliri ang umuusok na kulay brown na sigarilyo. Halos hindi ko na magalaw ang aking mga paa na’ng inalalayan akong lumakad ni Crista paalis ng elevator. Sinusundan n’ya ako ng tingin habang hindi kumukurap. Tumigil kami sa tapat ng glass center table na pumapagitna sa amin ni Kruger. Nadagdagan ang bilis ng pintig ng puso ko na’ng nag-lakad pabalik si Crista sa elevator. Huminga ako ng malalim. Hindi ko na naramdaman ang kan’yang presens’ya sa loob ng kuwartong ito. Kaming dalawa na lang ni Kruger. Niyuko ko agad ang aking ulo. Tumahimik ang buong kuwarto. Naririnig ko tuloy ang mabibigat n’yang mga hininga na sadyang nakakakilabot pakinggan. Palihim ko s’yang sinusulyapan sa abot ng aking makakaya. Napansin kong gumalaw ang kaliwa n’yang kamay. Pinadako n’ya pala ang sigarilyo sa kan’yang mamula-mulang bibig at pahigop na humithit. Kitang-kita ko kung paano namula ang apoy sa baga ng sigarilyo sa mariin n’yang pag-higop. At kasunod no’n, malakas n’yang binuga ang usok na tila galing pa sa kinailaliman ng kan’yang baga ang hangin. He leaned forward and placed the cigarette in the golden ashtray. Naka-lapag lang din iyon sa center table. Sumandal s’ya sa sandalan ng Cleopatra sofa habang naglalakbay ang kan’yang walang buhay na mga mata sa bawat bahagi ng aking katawan. Hindi ko mabilang kung ilang beses akong lumunok para mapawi man lang ang nerbyos ko ngayon. “You are indeed a goddess.” Umugong ang matigas n’yang malamig na boses. Iyon ang papuri na hindi nagustuhan ng mga tainga ko. “Alam mo ba kung anong bagay ang hawak ko ngayon?” Napansin kong may kinuha s’ya sa ilalim ng center table pero hindi ko iyon tinignan. “Walang silbi ang ganda ng iyong mga mata kapag hindi mo gagamitin iyan para sa akin. Look at me.” Sa takot, inangat ko s’ya ng tingin at parang aatras ako na’ng masilayan ang kapit ng kaliwa n’yang kamay. Isang itim na latigo. “Your skin is still fresh. No whip marks. Sa kinis ng iyong balat, hindi ako makapaghintay na latiguhin ka para makita kung gaano kaganda ang malilikha kong mga marka.” Naguumpisang manginig ang aking lalamunan. Napako ang aking tingin sa kan’yang mga mata. His eyes are so deadly. “S-Sir, h-huwag naman po… w-wala naman akong ginawang mali sa inyo—“ “Not yet. If you don’t want me to whip you, obey me.” Nanghihina ang aking mga tuhod pero nilakasan ko ang aking loob para hindi na naman bumigay ang mga iyon. “You are beautiful ngunit, lalo kang gaganda sa aking paningin kapag huhubarin mo ang bestidang iyan.” He sharpened his look. “Undress it.” Napa-kiskis s'ya ng bagang. Saglit n'yang binalingan ng tingin ang hawak na latigo at binalik sa akin ang kan'yang atensyon. Alam ko na ang pinapahiwatig n'ya sa 'kin. Pikit matang dahan-dahang dumako ang mga nanginginig kong mga kamay sa butones ng dress ko. Nasa gitna iyon ang aking dibdib. “Faster.” Tinanggal ko sa pagkakabutones sa mabilisang paraan. Tinitipid ko ang aking pag-hinga habang inaalis ko rin sa pagkakazipper itong suot kong dress sa aking likuran. Hanggang sa lumuwang iyon at hinayaan kong bumagsak sa kumikinang na sahig. Naramdaman ko agad ang lamig ng aircon pero may namumuong maliliit na butil ng mga pawis sa aking mga sintido. Naka-panty at bra lang ako ngayon. I heard him grin. “I was wrong…” Napa-titig ako sa kan’ya. “You are not beautiful enough.” Hihinga sana ako ng maluwag pero biglang sumilay ang nakakakilabot na ngisi sa kan’yang mga labi. “However, magbabago ang aking isip kapag aalisin mo ang natitirang saplot sa iyong katawan.” Nanlamig ako. “Take off your underwear, my Angel…”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD