CHAPTER TWO

2603 Words
“NAWALAN na ako ng trabaho dahil sa pagtatayo mo ng laundry shop, Adelentada! Isara mo na ang negosyo mong ginagawang tamad ang mga kababaihan dito sa Brgy. Masinag!!!” Dinig na dinig ni Adelentada ang pagwewelga ni Gloria sa labas ng Summa c*m Laundry Shop. Nag-iisa lang ito doon na nagwawala at sumisigaw. May hawak pa itong cartolina na may nakasulat na: ISARA! SUMMA c*m LAUNDRY SHOP! Nakaupo siya sa may receiving area ng laundry shop niya habang sina Maxima at Odessa at nasa tabi niya at nanonood ng It’s Showtime! ng tanghali na iyon. Siya naman ay abala sa pagkukwenta ng expenses nila. One week na rin kasing tumatakbo ang kanyang negosyo at maganda naman ang takbo nito. Halos lahat ng taga-Masinag ay sa kanya na nagpapalaba. Sa thirty pesos per kilo kasi ay nababawasan na ang hirap ng mga tao sa paglalaba. Kaya naman naiintindihan niya ang pinagmumulan ng number one na labandera ng Brgy. Masinag na si Gloria. Pero hindi naman siya dapat tumigil dahil lang dito. Matagal na niya itong pangarap and no one can stop her. Lalo na at naitayo na niya ito. Never! Maya maya ay naiirita na tumayo si Maxima. “Ate naman! Wala ba tayong gagawin kay Gloria?! Ang ingay-ingay! Hindi ko na namintindihan pinapanood ko, e. Lumabas na kaya ako at bugbugin ang babaeng iyon!” Pinatunog pa nito ang mga daliri sa kamay pero napa-aray ito. Mukhang nag-crack ang mga buto nito doon. “At talagang ikaw pa ang may lakas ng loob na manbugbog, Maxima? Sure ka ba? Sa payat mong iyan ay lalaban ka sa babaeng hinubog ang muscles sa pagkukusot ng damit? Baka isang upper cut lang sa iyo ni Gloria ay humiwalay ang ulo mo sa leeg mo!” Natahimik si Maxima. Namutla ang bakla. Mukhang natakot. “Pero, ate, tama naman si Maxima. Wala ba tayong gagawin kay Gloria? Aba, sinisiraan na niya tayo kanina pa sa labas. Sabihin ba naman na madumi ang laba natin?!” Naiimbyernang sabat ni Odessa. Nag-isip siya. “Alam niyo mga bakla, naniniwala kasi ako na kapag binato ka ng bato, batuhin mo ng tinapay. Kaya kahit anong paninira ang gawin ni Gloria sa atin, dapat kabutihan pa rin ang isukli natin sa kanya.” Kinuha ni Adelentada ang isang plastic bag na may lamang burger na meryenda sana niya mamaya. Inabot niya iyon kay Odessa. “Akin na lang burger mo, ate?” Nangningning ang mga mata ni Odessa nang makita nitong pagkain ang laman niyon. “Gaga! Hindi! Ibigay mo iyan kay Gloria. Kanina pa siyang umaga nagwewelga. Gutom na iyon kaya ibigay mo na lang sa kanya.” “Okay,” ani Odessa at lumabas na ito para ibigay kay Gloria ang burger. Pagbalik ni Odessa ay hindi na nito dala ang plastic bag. Ngingiti-ngiti pa ang matabang bakla sa kanya. “O, tinanggap ba ni Gloria?” tanong niya. “Hindi, ate!” “E, nasaan ang burger?” “Ayaw niya kasi. Hindi daw siya tatanggap ng kahit na ano sa iyo, `te! Sayang naman ang burger kaya ako na lang kumain.” “Gaga ka! Akin iyon, e! Kung hindi sana kinuha ni Gloria, ibinalik mo na lang sana--” Agad na itinigil ni Adelentada ang muntik nang paghihisterikal niya. Kinalma niya ang kanyang sarili sabay smile na kita ang gilagid. “Okay, Odessa… Okay lang na kinain mo ang burger. Positive vibes lang dapat! Kalma lang ako dapat para mas swertihin ang laundry shop natin…” “Naku, oo nga, ate! Iyan ang sabi sa iyon no’ng nag-feng shui nitong Summa c*m Laundry. Dapat daw ay kalma ka lang!” ani Maxima. “Tama… Kalma lang ako dapat. Hindi dapat ako magalit dahil negative energy iyon…” Pangungumbinse niya sa kanyang sarili. Sabay-sabay silang napasigaw sa labis na gulat nang biglang nabasag ang glass door ng laundry shop nila. Sa kalapit ng mga basag na salamin ay isang bato na kasinglaki ng kamao ang nakita niya. Ang pagkakalma ni Adelentada ay parang bula na naglaho. Napalitan iyon ng beastmode na mukha na isang ubo na lang ay pa-King Kong na. “Puchaaa!!!” Galit na sigaw niya nang malaman na binato ni Gloria ang glass door niya kaya nabasag. Akmang lalabas siya nang pigilan siya nina Maxima at Odessa. “Ate, kalma ka lang dapat! Kalma lang!” “Pucha! Paano ako kakalma?! Binasag ni Gloria ang glass door?! Sabihin niyo, paanooo?!” Nagtalsikan ang laway niya sa mukha ng dalawang bakla. “Oo na, sige na! Sugurin mo na si Gloria, ate! Kesa paliguan mo kami ng laway mo!” reklamo ni Maxima at pinagtulakan pa siya ng dalawa palabas. Minsan talaga hindi niya malaman kung supportive ba o hindi ang dalawang iyon. Pagkakita sa kanya ni Gloria ay agad siya nitong tinalakan. “Ano?! Lumabas ka rin sa lungga mo?! Kung hindi ko pa binasag `yang pinto mo, hindi ka pa lalabas!!!” Kulang na lang ay mamuti ang mga mata nito sa sobrang pagsigaw. “Gusto kong basagin mukha mo!!! Hindi mo ba alam na mahal ang glass door na binasag mo?!” galit na sagot niya. “Wala akong pake! Bayad mo na iyon sa akin dahil tinanggalan mo ako ng trabaho!” “FYI lang, Gloria, hindi kita tinanggalan ng trabaho. Gusto ko lang guminhawa ang buhay ng mga taga-Masinag! Kaya kahit maghapon at hanggang sa end of the world ka pa mag-welgang mag-isa diyan, hindi ko isasara ang laundry shop ko!” “Ah gano’n, ha?! Pwes! Humanda ka! Ikaw na ang babatuhin ko!” Naghanap ng bato si Gloria at nang makakita ito ay inasinta siya. “Ate! Pumasok ka na dito! Babasagin niya lalo mukha mo!” histerikal na hiyaw ni Odessa. “Humanda ka, Adelentada! Tarantada kaaa!!!” sigaw ni Gloria sabay bato nito ng bato sa kanya. Parang natuklaw naman ng ahas na hindi na nakagalaw pa si Adelentada. Na-shock yata siya sa bilis ng pangyayari o baka na-shock siya nang pagbato ni Gloria sa kanya ay na-expose ang maitim nitong kili-kili. Mabuti pa ang mga damit, napapaputi nito pero ang kili-kili nito ay hindi. Nag-slow motion ang lahat sa paningin ni Adelentada. Kitang-kita niya ang bato na papalapit na sa mukha niya at sa lapad ng mukha niya imposibleng hindi iyon matamaan. Ngunit imbes na ang mukha niya ang matamaan ay ang likod ng lalaking yumakap sa kanya ang tinamaan ng bato. Napapikit na lang siya sa bilis ng mga pangyayari. “Bakit ka humarang?! Pakialamero!!!” sigaw ni Gloria. Hinarap ng hindi niya kilalang lalaki si Gloria. “Mali po ang ginagawa mo. Kung gusto mong ipasara ang laundry shop na ito, magpapirma ka ng petisyon. Mag-ipon ka ng pirma ng mga taga-Masinag na gustong ipasara ito. Isa pa, alam mo bang pwede kang makulong sa ginagawa mo?” buong-buo ang boses ng lalaki. Nakatalikod ito sa kanya kaya hindi niya makita ang mukha nito. Pero likod pa lang nito ay ulam na! Siksik sa muscles ang braso nito na litaw dahil sando lang ang suot nito. Sino kaya itong nagligtas sa akin? Bulong niya sa sarili. “A-ako? M-makukulong? Hindi naman yata--” “Oo, makukulong ka. Pwedeng habangbuhay o bitay!” Natakot yata si Gloria sa sinabi ng lalaki kaya nagmamadali itong umalis. Hindi malaman ni Adelentada kung papaano magpapasalamat sa lalaki. Nang lumingon ito ay doon na tuluyang nalaglag ang panty niya. Literal na napanganga siya sa kagwapuhan nito. Mukha itong Koreano na moreno tapos ang laki pa ng muscles. Parang ang sarap maglambitin sa braso nito! Pinagpawisan tuloy siya ng malapot. Nakalimutan niya na muntik na siyang matamaan ng bato sa mukha kanina. “Okay ka lang ba?” Kitang-kita niya ang pag-aalala sa gwapo nitong mukha. “Ah, eh…” Hindi niya malaman ang kanyang isasagot. Dahil doon ay mas pinili na lang niyang magkunwaring manghihimatay. Pabagsak na ang katawan niya nang saluhin siya ng naturang lalaki! “Naku! Si ate nanghimataaay!!!” Dahil sa peke lang naman ang pagkahimatay ni Adelentada ay dinig na dinig niya ang paghihiterikal nina Maxima at Odessa. Naramdaman niya na nakaunan siya sa isang ma-muscles na mga hita habang may kamay na tumatapik sa kanyang mukha. Sigurado siya na ang lalaking nagligtas sa kanya iyon. Ang bango-bango nito. Lalaking-lalaki ang amoy. “Mukhang kailangan ni ate na i-mouth-to-mouth!” Nag-aalalang suggest ni Odessa. Aba, aba… Mukhang bumabawi sa kanya si Odessa, ha. Good girl! Okay `yang suggestion mo! Tili ng utak niya. E, sino pa ba ang pwedeng gumawa sa kanya niyon kundi ang oh-so-yummy na lalaking nagligtas sa kanya, `di ba? “Pero sino namang gagawa no’n kay ate?” tanong ni Maxima. “Hindi naman tayo pwede dahil babae din tayo. Malalason tayo!” “Tama ka diyan, Odessa! Kailangan na nating magmadali baka mamatay na siya!” “Ako! Ako na lang ang gagawa!” Sa wakas ay sabi ng lalaki. Yes! Yes! Yes! Nagdiriwang na sigaw ni Adelentada sa kanyang sarili. Hanggang sa may maramdaman siyang mainit na hininga na papalapit sa kanyang bibig. At nang dumampi na ang labi ng lalaki sa labi niya ay namilipit na siya. Nagkiskisan ang dalawa niyang paa sa sobrang kilig na nararamdaman. Lalo na nang bugahan siya ng lalaki ng hangin sa loob ng kanyang bibig! Feeling niya ay magkakatotoo na ang pagkahimatay niya ng sandaling iyon. Iminulat na niya ang kanyang mga mata. “Buhay na ulit si ate!” sabay na sigaw nina Maxima at Odessa. “A-anong nangyari?” tanong niya habang tinutulungan siyang tumayo ng lalaki. “Diyos ko! Nagka-amnesia si ate! Ganiyan na ganiyan `yong napapanood ko sa TV!” Nagpapadyak pa si Maxima. Sinapak niya ang nagwawalang bakla. “Anong amnesia sinasabi mo? Nagtatanong lang kung anong nangyari, amnesia agad? Gaga!” Bigla siyang bumait nang tumingin siya sa lalaki. “Thank you dahil iniligtas mo ang aking buhay ng two times in a row. Una, iyong batong muntik na akong tamaan tapos mi-nouth-to-mouth mo pa ako…” “Sa susunod mag-iingat ka na lang,” tipid na sabi nito. “Oo. Tatandaan ko iyan. Teka, masakit ba ang likod mo? Tinamaan ka ng bato, `di ba?” Pumunta siya sa likod ng lalaki at hinimas-himas ito doon. “May masakit ba? Dito ba? Dito?” Ginagawa lang naman niya iyon para maka-tsansing. “Okay lang ako. Hindi naman masakit.” “Hindi, e. Ang lakas ng tama ng bato sa iyo. Narinig ko!” Patuloy pa rin siya sa paghimas. Hindi pa siya nakuntento at ipinasok na niya ang kanyang kamay sa loob ng sando nito. Damang-dama niya ang mainit at pawisan nitong balat. Agad naman siyang hinila nina Maxima at Odessa palayo sa lalaki. Nagtig-isang braso ang dalawang bakla sa paghawak sa kanya. “Ate, okay daw siya! Tama na. OA na kayo!” “Nag-aalala lang naman ako--” Pumiksi siya para makawala sa dalawa. ‘Kung makahawak naman kayo sa akin, para akong baliw! Hindi ako baliw! Hindi ako baliw!” at umangil pa si Adelentada sa dalawa na parang asong ulol. “Sige, aalis na ako.” Pagpapaalam ng lalaki. “Huwag! I mean… anong pangalan mo? Bago ka pa lang dito, `di ba? Ngayon lang kita nakita, e.” Tumango ang lalaki. “Ako si Ruperto…” Pagpapakilala nito. “Ruperto… Ang gandang pangalan. Ako naman si Adelentada. But you can call me ‘mine’ if you want to!” Kinagat pa niya ang pang-ibabang labi sabay kindat. “Sige. Uuwi na ako, Adelentada.” “Okay. Ingat ka. Thank you ulit, Ruperto…” Pa-demure na kumaway pa siya dito bago ito tuluyang umalis. “ANG arte-arte mo kanina nang kausap mo si Ruperto, ate! Para kang teenager na lumalandi sa crush niya!” ani Maxima habang naglalakad na sila pauwi ng bahay mula sa laundry shop. Alas-dose na ng hatinggabi. Nasa kabilang street lang naman ang bahay nila kaya very convinient para sa kanila. Hindi na nila kailangan pang sumakay. Maarteng itinirik ni Adelentada ang kanyang mga mata. “Ha? Grabe naman! Normal ko lang naman iyon, a!” “Normal pa ba `yong naghimatay-himatayan ka para lang ma-mouth-to-mouth ka no’ng tao? Mabuti na lang at sinuportahan ka namin sa gimik mong `yon. Nahalikan ka tuloy ng gwapong lalaki!” Kinikilig na turan ni Odessa. “Anong lasa ng lips niya, ate?” “Hmm… Mesherep…” “Ayyy!!!” tili ng dalawa. Pinagsasapak niya ng tig-isa sina Maxima at Odessa. “Ano ba?! Ang iingay niyo! Nakakabulahaw na kayo sa mga tao! Tumigil na nga kayo! At baka--” Bigla siyang natigilan nang malapit na sila sa bahay nila. Tama ba ang nakikita niya? Si Ruperto ba iyong lalaki na nakatayo sa kalapit na bahay ng bahay nila? Mukhang may kausap ito sa cellphone. “Ate, si Ruperto!” itinuro pa iyon ni Odessa. “Alam ko, Odessa! Hindi ako bulag!” aniya. “Mauna na kayo sa loob ng bahay.” “At bakit naman, ate?” “Basta. Mauna na kayo!” “Naku, haharot na si ate! Sabagay, matagal nang walang dilig ang kanyang pechay!” “Bastos ng bunganga mo, Maxima! Palibhasa wala kang pechay! Pumasok na nga kayo!” “Okay. Good luck, ate!” Tudyo pa ni Maxima at nauna na ang dalawa na pumasok sa loob ng bahay. Chance na niya ito para makausap si Ruperto nang sila lang dalawa. At mukhang ito na pala ang bagong nakatira sa bakanteng bahay sa tabi ng bahay niya. Hindi kaya pinagtatagpo sila ng destiny? Kung ganoon, baka ito na ang kanyang forever! Medyo kinilig naman siya nang maisip ang bagay na iyon. Hahakbang na sana siya palapit sa lalaki nang bigla siyang may maisip. Hindi naman siguro maganda na humarap siya dito nang hindi siya maganda. Sinuklay niya ang kanyang medyo kulot at hanggang leeg na buhok. Kinuha niya ang polbo sa kanyang sholuder bag at naglagay niyon sa mukha. Malakas siyang kumunsumo ng polbo dahil sa malapad nga ang mukha niya. Nang makapa niya ang lipstick na pula sa bag ay kinuha na rin niya iyon. Naglagay siya sa labi niya at ginamit na rin niya iyon bilang pampapula ng kanyang pisngi. Nang makumbinse niya ang kanyang sarili na maganda na siya ay saka siya naglakad palapit kay Ruperto. “Ruperto? Ikaw ba `yan?” Kunwari ay nagulat na tanong niya. “Adelentada? Ako nga.” Ibinaba nito ang cellphone na nasa tenga. “Oh my, God! Ikaw ba ang bagong nakatira sa bahay na iyan?” “Ako nga. Kahapon lang ako lumipat diyan.” “Mukhang pinagtatagpo talaga tayo, `no? Dito lang ako nakatira, o…” aniya sabay turo sa kanyang bahay. Tumango-tango ito at tinitigan ang kanyang mukha. “Nakipagsuntukan ka ba?” tanong nito. “Ha? Hindi. Bakit?” “Para kasing may pasa ka sa mukha. Ang pula-pula!” “Ah!” At nahihiyang hinawakan niya ang kanyang pisngi. “Natural na mapula ang cheeks ko. Since birth iyan--” Natigilan siya nang biglang hawakan ni Ruperto ang kanyang pisngi. Pagtingin nito sa kamay ay nakita nito ang bahid ng lipstick doon. “Talaga ba?” anito at ipinakita nito ang bahid ng lipstick sa kamay. “Ah, eh… Ikaw naman! Hindi ka na mabiro!” Awkward na tumawa na lang siya. Diyos ko! Nakakahiya! Kulang na lang ay hilingin ni Adelentada na lamunin na siya ng lupa ng oras na iyon. Baka isipin ni Ruperto na bida-bida siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD