Chapter 3

1046 Words
Napangiwi na lang si Jonas. "What are you talking about? Just go!" pagsusungit ng bata sa drayber na nakuha pang magbiro. Mabuti nga at lumabas na rin ito. Nang makalayo ang manong ay tinawag na ni Jonas ang batang nasa likod lamang ng kinauupuan nito. "Come on!" Pagkababa ng batang lalaki, inalalayan nitong makababa rin si Jackie. Kasunod niyon ang mabilis nilang pagtakbo palayo sa kotse. Ilang gusali rin ang nalampasan nila hanggang sa huminto na sa pagtakbo ang batang babae. "Now, what?" tanong niya. "I have my phone, so basically, I can call Abby. But, what about you?" "Alam ko na 'tong lugar na ito. Puwede ka nang bumalik doon. Maraming salamat," tugon ni Jackie na bigla na lamang nagliwanag ang mukha. May pag-aalangan naman si Jonas. "I can't leave you alone, until I know you're safe. So, that’s what I'm gonna do." Pareho silang napaatras dahil sa biglaang paghinto ng itim na van sa tapat nila. Mula roon ay may lumabas na binatilyo at dali-daling binuhat si Jonas para maisakay. Napatili ang batang babae na labis na nagulat sa nasaksihan. Hinarap ito ng binatilyo matapos maiupo sa likod ng van ang nagpupumiglas na si Jonas. "Halika, sumakay ka na rin dito. Mamasyal lang kami." "Talaga po? Saan naman po?" Kumalma ang bata na mabilis namang napaniwala. "Kahit saan n'yo gusto," tugon ng maputing binata. Sumakay nga si Jackie kaya pinaarangkada na ng lalaking nakasombrero ang kanilang sinasakyan. *** "You, idiot! You shoud have run fast and ask for help. I'm being kidnap right now, can't you tell?" Nanggagalaiti si Jonas na halos pamulahan na ng mukha. "Hindi, anak. Ako ang papa mo," pahayag ng lalaking nagmamaneho na tumingin mula sa rearview mirror. "What?" Natigilan ang bata na napatingin na lang sa lalaking nakaupo sa unahan. "Gusto lang kitang makilala kasi nabalitaan kong iniuwi ka na ni Abby. Ang laki-laki mo na pala." Sumilay sa mga mata nito ang saya at pananabik na makita ang anak. "You’re my dad?" tanong ni Jonas na hindi makapaniwala sa narinig. "Oo, anak," tugon nitong pasulyap-sulyap lamang mula sa salamin, pero nakapokus pa rin sa daan ang tingin. "Pasensya ka na, kasalanan ko lahat, pero 'di ako nagsisising ipinanganak ka niya." "You're insane! From what I've heard, you seduced her, that’s why I was born." Imbes na kumalma ay mas lalo pang sumiklab ang galit sa puso ng bata. Iyon kasi ang kadalasan nitong marinig sa mga nag-alaga ritong kasambahay, na itinago itong anak ni Abby na isang dating kilalang child actress sa Pilipinas. Hindi na nakasagot ang lalaki at tahimik na kinimkim ang sama ng loob. Mali kasi ang inaakala ng anak, pero hindi naman maiintindihan ng bata kahit ipaliwanag pa nito. Katorse anyos noon si Abby, habang ito ay desi-siyete, naging mapusok man at nagkaroon ng maling desisyon, tunay naman ang naging pagmamahalan ng mga ito. "Kuya, anong gagawin natin sa kanila," usisa ng binatilyong nakaupo sa likod ng van kasama ang dalawang bata. "Kahit isang araw lang, gusto ko siyang makasama," tugon ng nagpakilalang ama ni Jonas na kapansin-pansin ang pangingilid ng luha. "Ako si Albert, tito mo ako, pero ayaw ko pang matawag na tito, so, tawagin mo akong—" "Albert. I'm gonna call you Albert," pagputol ni Jonas sa sinasabi nito. "Can we go now? I need to bring her to her home. She's Jackie...she is…my friend." May pag-aalangan ang huling winika nito. Napangiti naman si Albert. "Baka naman girlfriend. Nagtanan ba kayo?” "What is tanan?" tanong ni Jonas na walang kamuwang-muwang sa salitang 'yon. Nalipat lang ang atensyon nito nang magsalita ang lalaking nagmamaneho. "Anak, gusto mo bang pumunta ng amusement park?" "Ako po, gusto ko po," sabad ng batang babae na ngayon niya lang ulit narinig magsalita. *** Walang ibang mapagpilian ang batang si Jonas. Ang nakakainis, gustong-gusto ng batang babaeng kasama nila ang nangyayari. Kasalukuyan na silang nasa isang amusement park kung saan napakaraming rides at mayamaya rin ang pagsigaw ng mga taong tuwang-tuwa sa pagsakay sa mga 'yon. Katulad ni Jackie na 'di mabura sa mukha ang malawak na pagngiti habang nakasakay sa carousel, nakangiti rin ang nagpakilalang ama na walang sawa sa pagkuha ng litrato. Bumili rin ito ng hotdogs, burger at cotton candy. Sa kilos ng dalawa, hindi mo iisiping kidnapper ang mga ito. Kanina pa palihim na sinusulyapan ni Jonas ang ama. Tumatakbo sa isipan ng bata ang lahat ng posibilidad sa sinasabi nito. Palagay niya'y nagsasabi ito ng totoo. Pero, napapaisip din siya na baka nag-aalala na si Abby sa mga oras na ito. "Bunso, saan mo na gustong pumunta ngayon?" tanong ni Albert pagkababa nila sa carousel. Tumuro ang bata sa 'di kalayuan. Nalipat naman doon ang tingin ng kinse anyos na binatilyo. "Ah sa perris wheel?" Napangiti si Albert at napatitig sa dalawang bata. "Bagay kayong dalawa. Sige, pumunta tayo roon, tapos kukunan ko ulit kayo ng picture. Kuya, pahiram naman ng kamera?" Iniabot ‘yon ng lalaki sa nakababatang kapatid. Nang makaupo sila sa hugis pusong cart, kaagad na silang kinuhanan ng litrato ni Albert na para bang isa itong propesyunal na photographer. Matapos niyon ay nagsimula nang umikot ang perris wheel. "Tumingin kayo rito," sigaw ni Albert habang unti-unting umaangat ang sinasakyan ng dalawang bata sa ere. Napatingin si Jonas sa batang kasama. Hindi nito maintindihan ang sarili kung bakit parang gusto nitong protektahan ang bata. Kinuha nito cellphone mula sa bulsa para tawagan na si Abby, pero mula roon ay mayroong nalaglag. Lumikha 'yon ng matining na tunog na umagaw sa pansin ng batang babae. Ito tuloy ang mabilis na dumampot sa kuwintas. "Wow! Ang ganda naman nito!" Kinuha 'yon ni Jonas mula sa kamay ni Jackie, saka dahan-dahang isinuot sa leeg nito. Nanlaki ang mata ng batang babae dahil sa pagtataka. "Ibibigay mo sa akin 'to?" "Kapag nagkita ulit tayo paglaki natin at nasa 'yo pa rin 'yan, ang ibig sabihin, ikaw ang babaeng dapat kong pakasalan," pahayag ni Jonas habang diretsong nakatingin sa mata ni Jackie. "Marunong ka palang magtagalog, eh. Pinahirapan mo pa ako," wika nitong napanguso saka napatingin sa kuwintas na suot. Kung alam lang ng mga ito na milyon-milyon ang halaga niyon, dahil puro ang maliliit na dyamanteng naroon sa pendant, at minana pa 'yon ng ina ni Abby sa Lola nito sa tuhod.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD