Chapter 9

1043 Words

Naistorbo si Nathan nang tumunog ang kaniyang phone na nakapatong sa ibabaw ng center table. Napangiti siya nang makita ang pangalan ng taong bibihirang tumawag sa kaniya, si Gian— ang pakialamerong apo ni Donya Rosella, at isa sa pinakamalapit niyang kaibigan. Kaagad na niya 'yong sinagot, "Kumusta?" "Gian 'to, Pare," tugon nito sa kabilang linya. "Alam ko. Naka-save pa rin naman ang number mo kahit minsan ka na lang tumawag." "Anong minsan? Ikaw nga ang mahirap makausap diyan," paglilinaw ni Gian. "Palaging si Noel ang kausap ko tungkol sa 'yo. Masyado kang busy." Napangiti siya. "Busy ka rin naman. Anong balita? May bago ka bang project ngayon?" "Yes. May binubuo akong isang musical," tugon ni Gian sa seryosong tinig. Nangunot naman ang noo ni Nathan. "Musical? Ah, oo nga pala.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD