Chapter 53

1041 Words

"Ano bang pinagsasabi ng matandang ito?" wika ni Madamme Francia na kinuha ang wineglass sa kamay nito. "Lasing ka na nga talaga, tigilan mo na ang mga bata."       "Ha! Noong araw, kapag nagdesisyon ang mga nakatatanda, hindi nakakatanggi ang mga kabataan. Minsan nga, hindi pa sila ipinapanganak nakatakda na sila sa isa't isa," patuloy ni Madamme Rosella na mas lalo pang namungay ang mga mata. Paano ay hapon pa lamang ay umiinom na ito.       "Noong araw ‘yon, Rosella. Pinag-usapan na nating, hindi natin ipararanas sa mga apo natin ang naranasan nating pagpapakasal sa mga hindi natin mahal."       "Pero umamin ka, ang papa ni Abby, natutuhan mo rin siyang mahalin, 'di ba?" Muli itong napahalakhak. "Gano’n din naman ako kay Pablo. Minahal ko rin ng sobra ang walang hiyang ‘yon!

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD