Chapter 64

1095 Words

*** "Mama, sobrang saya po talaga roon," pahayag ni Sasha pagkalabas nila galing sa 4D room. Sa tulong kasi ng teknolohiya, parang totoo ang lahat ng bagay na nakikita nila roon. "Gusto mo ba, pagbalik natin, pumunta ulit tayo roon?" "Opo!" Masayang tumango-tango ang bata na muli nang tumingin sa hawak nitong digicam. "Mama, ang gaganda po ng pictures ko," pahayag nitong ipinakita sa kaniya ang laman nun. "Wow. Puwede ka na talagang maging photographer, ah?" papuri niya sa bata habang nakasilip sa malinaw na kuha nito. "Mama, mag-pose ka, pipicturan kita," wika ni Sasha na itinutuk sa kaniya ang dalang camera. Nagsimula naman siyang umanggulo na parang modelo. Ngumiti siya at makailang ulit na nagpalit ng pose. Nakakailang shots na si Sasha nang bigla itong napahinto at napatingin k

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD