Inilatag nya ang cardboard box sa dining table and started measuring the box na kailangan nya for the custom birthday cake. Yun ang pinaka ayaw nyang gawin. Kaya minsan ayaw nyang gumawa ng custom cake na irregular ang shape and wala syang makuhang ready-made boxes kasi di naman sya marunong gumawa.
Naghanap pa sya ng you tube video for cardboard box making. Parang madali naman gawin. Pinapanood nya ang video ng bumaba naman si Lucas and Niam bitbit na naman nila ang laptop.
“Babe, look at this.” narining nyang sabi ng papalapit na si Lucas. Hawak nito ang nakabukas na laptop.
“Babbbeee?” Gulat naman na reaksyon ni Niam sa narinig. Pinag lipat lipat nito ang tingin sa naka tawang si Lucas at sa namumulang mukha nya.
“Hindi ah.” tanggi naman ni Lexie. Pabiro namang sumimangot si Lucas.
Ipinatong nito ang laptop sa tabi nya.
Sinilip nya naman kung ano ang gusto nitong ipakita.
“Do you like it?”
What she saw on screen was a logo. It looked simple but very classy. Lexie Bakes was written in cursive and may caricature nya with a pastry chef hat.
“It’s a concept. It does not need to be that brand name. Just like to present the overall feel.” Explain ni Lucas.
“You might want to go for the Black and White logo.It does not need to be pink to connote “Sweet,” dagdag naman ni Niam.
“Black and White looks classy and it’s not very gender-centric na color.” patuloy na explanation pa ni Niam. Lumapit ito and started to control the application on screen. “This will be how it will look on your box, stickers”
Naghintay naman ang dalawa sa reaction nya.
“Ginawa nyo to?” Di pa rin makapaniwalang tanong nya.
“He forced me to work on it.” Sagot ni Niam.
“Did you draw this?” tukoy nya naman sa caricature.
“No. Lucas drew that?”
“Really?!?”
Kinusot lang ni Lucas and buhok nya.
“I like it! I’ll keep the name too.” Nakangiti nyang turan and gave both guys a big smile. “Thank you.”
Tyempo naman dumating sina Mark at Matt.They looked at logo.
“This is great. Black and White will help you reduce the cost of your materials too.” Spoken like a businessman talaga. “What was your previous brand name.”
“Sweet Indulgence.”
Sabay-sabay naman natawa ang tatlo. Pinandilatan naman ang mga ito ng Kuya Mark nya. They tried their hardest to control their laughter.
“It’s even with bright pink lips.” pagkwekwento ni Lucas na nagpatawa ulit kay Niam at Matt. Napapangiti na lang ang Kuya nya.
“Whyyy?” Wala naman may gusto sumagot sa kanya.
Nang napansin ni Lucas na naiinis na sya, lumapit na ito at binulungan sya. “It’s a s*x toy shop malapit sa school.” She felt his warm breath sa tenga nya. She blushed. Hindi nya alam if it was because of his closeness or because of what he said.
“Hindi naman sinabi ni Kuya eh.” Naiirita nyang sabi. Tumalikod na sya sa mga ito and went to the kitchen to work on her cake.
“Sabi mo naman temporary lang yung brand name mo ng nagtanong ako eh.” sabi ni Mark. Pagtatanggol naman ni Mark sa sarili.
“It’s over guys. We are officially changing the brand name.” sabi ni Lucas para maiba na ang usapan.
“What do you want to do with this?” Tanong naman ni Niam pointing at the cardboard box.
“Box sana para dito sa cake.”
Lumapit naman sa kanya si Niam and asked more details. Nakabuntot pa din si Lucas dito.
Marami itong itinanong pati pa ang estimate weight ng cake ay itinanong nito.
Pagbalik sa dining table ni Niam ay sumabay din si Lucas.
“I did not know na napaka seloso mo.” sabi nito sa kaibigan.
“What?” react naman ni Lucas as if hindi nya alam ang tinutukoy ni Niam.
Nailing na lang si Niam dito.
Mabilis lang na nagawa ni Niam ang box while Lucas was watching him. It was too simple for Niam. Ang dami nitong mga prototype na ginagawa as an engineering student.
“Lex, may cardboard ka pa ba?” tanong ni Niam kay Lexie.
“Sa pantry, Kuya.” sagot naman ni Lexie dito galing sa kusina.
When Lucas heard her address Niam as Kuya ang lapad ng naging ngiti nito na hindi naman nakalampas kay Niam. Natatawang, naiiling na lang sya sa kaibigan.
.
.
.
Nakatambay na naman ulit ang mga boys sa kitchen. Sabi nila nasa kwarto daw ang dalawang girls at nag siesta.
Ready na syang i-shape ang mga cakes pero itinigil nya muna ito.
Naisip nyang magluto ng spaghetti para sa apat. Napatingin ang mga ito sa kusina when the smell of garlicky butter started to fill the room.
“I’ll cook spaghetti with shrimp in creamy tomato sauce. Snacks?” paliwanag nya na lang sa mga ito. Napangiti sya when she saw four pairs of expectant eyes. “Alam nyo parang kayong ginugutom. Ang lakas nyo naman kumain.” pabirong reklamo nya sa mga ito.
“Tataba ata kami dito eh.” ani Matt.
“Wala akong baguette ngayon but I can quickly prepare some bagels. Okay lang?” sabay-sabay namang tumango ang mga ito.
Inilabas nya na ang na-prepare na dough kagabi. Pagpihit nya, nandoon na si Lucas. “What do you need?”
“Mmmm. Just boil water in a casserole.”
Mabilis nya nang na shape ang bagels while making sure that the sauce was cooking. Nakita nya naman na nakapag pakulo na ng tubig si Lucas. Binigay nya dito ang mga na shape na dough and gave him instructions.
“Wow ha! The best ang team work.” Panunudyo naman ni Matt sa kanilang dalawa.
“Pare, di ka pa nakakapagpa-alam” sabat naman ni Mark. “Dadaan ka pa sa akin sunod kay Dad. Hindi ka nga pasado sa akin eh.” dinagdagan pa nito ng tawa.
Parang wala lang narinig si Lucas.
Nag pre-heat na sya ulit ng oven para sa bagels that Lucas was working on. Iniahon nito ang mga yun from the water bath, and placed them on the baking pan that she prepared. She just popped it in the oven.
Nakita nyang nag luto na rin ng pasta si Lucas pagkatapos noon. Nangingiti naman sya while looking at him. He looked at home in the kitchen.
She finished the sauce at ipinasa yun kay Lucas and went back to making the cake.
Si Lucas na ang nagtapos ng pasta. He mixed the sauce sa naiahong pasta, transferred it to a serving tray at parang bahay nya nang nagbukas ito ng ref to look for parmesan cheese.
Bitbit nito ang tray ng pasta ng huminto sa likod nya at pabulong na sinabi sa kanya, “Babe, let’s go.”
Nangiti naman sya sa sinabi nito. Tamang timing lang din that the Bagels were just done. She took them out at sumunod na rin.
She was amazed sa capacity ng mga itong kumain. They have a bottomless pit in their stomach.
“May bagels pa, Lex?” Tanong ni Niam.
“Wala na.” napalabing sagot nya dito. Andami nyang ginawang bagels pero ang bilis naubos. ”As in, kuya, that’s like a dozen bagels. Isa nga lang ang kinain ko.” sabi nya naman.
“Kaya pala ako nabitin eh. 3 lang ang nakain ko. Kinain mo yung isa.” hindi na rin nila napigilang tumawa.
“Tomorrow for breakfast na lang. I’ll make more bagels.” Promise nya naman dito.
“Lakas ko talaga sa babe ni Lucas.” biro nito sa kanya.
Pabiro naman itong binatukan ni Lucas.
Pagkatapos kumain. Tinuloy nya naman ang pag scu-sculpt ng cake.
Si Matt and Mark ang nagligpit sa pinagkainan nila at sila na din ang naghugas. Si Niam and Lucas naman ay curious sa ginagawa nya.
“What are you trying to make?” Si Niam.
“Si Lightning McQueen sa cars.” pinihit nya pa ang tablet at pinakita dito.
“Wow! You can make that?” Namamangha namang tanong nito. Natawa naman sya.
After awhile, apat na ang nanonood sa ginagawa nya. “Wala ba kayong gagawin?”
“Wala.” Walang kaabog-abog na sagot ng kuya nya. Mabilis din ang kamay na dumampot ito sa scrap cakes na nahuhulog sa counter. Nakidampot na din ang tatlo. As in! pagkatapos ng gabundok na pasta at sangkatutak na bagels ay parang gutom pa sila.
“Hep. Hep” saway nya dito. “Promise, if you dont eat the scraps. Mag babake ako ng lava cake.”
“Okay! Mabilis naman kami kausap” si Matt.
Naiiling na lang sya. Tahimik naman na nanonood lang sa ginagawa nya ang apat.
“I think you have to support that part.” sabi ni Niam sabay turo sa kung saan kailangan nya pang magdagdag ng support stick.
“Wow, very good” Parang teacher na pinuri nya ito.
“Syempre! Magiging structural engineer ata to!” sagot naman nito na inangat-angat pa ang balikat.
“Tapusin mo na kaya yung box, Niam.” paalala naman ni Lucas dito.
“Pinapaalis mo lang ako eh.” Natatawang sagot nito. Pero hindi umalis sa kinauupuan.
“What was the hardest custom cake na naorder sa ‘yo?” Tanong naman ni Matt sa kanya.
Hindi agad nakasagot si Lexie pero pinamulahan ng mukha. Natawa naman si Mark.
“Pare, that was last summer.”
“Kuya, shut up”
Pero hindi ito nagpa-awat. “It’s a p***s-shaped cake for a bridal shower.”
She groaned when she heard her kuya na excited na kinuwento yun sa mga kaibigan. “I found her at midnight didto sa kitchen sculpting something that is nowhere near the correct size and proportion.” tawang-tawa naman ito, hinugot pa ang phone at parang may hinahanap dito.
“I wasted a lot of cake for that nalugi pa ata ako.”
“Of course not! We ate a lot of lava cake from the rest of the penis.” Tawang-tawa pa ito sa sinabi.
“Here, this was her first try.” Then he showed them a picture which looks like it was a stolen shot of her with a really fat and short p***s cake.
“Stop.” she begged Mark.
“Nahiya syang gawin yung cake ng umaga. Kasi baka makita ni Mom and Dad.” tuloy pa rin ito sa pagkwekwento.
“But anyway, I rescued her. “ And he swiped on his phone to show them another cake. Napuno naman ng tawanan ang kusina.
“Until today, that is the most perfect p***s-cake ever sold dito sa cordillera region.” Proud na proud na sabi nito.
Contrast to her design which was laying flat and to be honest, looked funny. Mark’s was a standing model, with perfect proportion and detail. It was even a veiny shaft and with what looked like pre-c*m seeping out of its head”
“I drew and designed that, she executed it pero binantayan ko talaga” pagmamalaki pa nya. “Kaya sumikat ang Sweet indulgence eh, bumagay sa pangalan” at lalo pa itong natawa. “Inumaga kami sa cake na yan.”
“Paano ba naman ang arte-arte mo.”
“Any part of the human body, sis. Pag may umorder ulit. I can draw it for you.”
“Alis na nga kayo.” Pagtataboy nya na sa mga ito. “Hindi ko na to matatapos eh. Mag didinner na.”
Nauna nang tumayo si Niam na tatapusin pa ang cake box, sumabay na rin si Mark and Matt. Nang napansin ni Mark na nagpaiwan pa ata si Lucas ay binalikan nya ito at hinila na rin.
“Three people to make a small box. Kaya nyo na yun.” Protesta ni Lucas.
“Mas wala kang maiaambag sa paggawa ng cake.” narinig nyang sabi ni Mark dito.
Grateful naman sya. Maraming tinapos na cake board ang mga ito of different sizes but mostly what she normally needs.
May nakita din syang pre-cut na mga cardboard that she can easily assemble for use later.
“Gumawa ako ng template. You can use that if you need more later.” Explain sa kanya ni Niam.
“Thank you!” pasalamat nya naman dito. “Ako din may surprise. Tsaran!” sabay na gumilid sya ng konti and showed then the counter with her promised lava cake.
“Yes!”, si Mark naman.
“Don’t eat yet. Mag didinner pa.” Paalala nya sa mga ito.
Iniwan nya naman muna ang mga ito para umakyat. She took a quick shower as per her usual routine before dinner.
Pagkalabas ng kwarto, nakita niyang palabas din si Lucas sa kwarto at basa din ang buhok nito.
“H-Hi.” Hindi nya alam ang sasabihin.
“Babe, come here.” Hindi nya naman maintindihan pero hindi nya mapigil na hindi lumapit dito. When she was an arm’s length away, huminto na sya sa paglapit but Lucas took hold of her hand at hinila pa sya palapit. He hugged her like he missed her.
She rested her head on his chest na parang normal lang na yakapin sya nito.
Napabuntung-hininga naman ito.
“What’s your schedule tomorrow?”
“Mmmm. Ihahatid ko lang yung cake sa Julie’s pa din.”
“What time?”
“8am.”
“Okay. Let’s have breakfast together and leave at 7:30.”
They both acted like it was normal that they talk about what to do bukas. She felt him hug her tighter and felt his kiss on top of her head.
Binitawan na sya nito and still holding her hands, hinila na sya nito pababa.
She shook off her hand at baka may makakita pa sa kanila. He held her hand tighter.
“Lucas?” tawag nya naman dito. Looking at him to tell him silently to let go of her hands.
He expelled a deep breath and let go.
.
.
.
Kinaumagahan, Lucas was no longer in bed ng pumasok sya sa kwarto nyang inu-occupy nito at ng kuya nya. She took the opportunity to bring out more clothes from her walk-in closet para hindi na sya pabalik-balik dito.
Naligo na rin sya and went down for breakfast. Tulad ng nakaraang umaga. Lucas was with her dad and masaya silang nakwekwentuhan.
“Did you enjoy your run?”
“Yes, Tito. The air is so fresh and it’s very cool here.”
“ It can get chilly from November to February. But this time, the weather is just perfect.”
“Morning, dad.” Singit nya naman sa usapan ng dalawa. Sabay halik sa pisngi ng ama.
“Morning.” baling nya naman kay Lucas.
He smiled and mouthed. “Morning, babe” and smiled at her.
Nailing na lang sya dito.
She joined them and they enjoyed breakfast at kung anu-ano lang ang topic nila. Hindi nya napansin ang paglipas ng oras.
It was Lucas, who tapped his wrist watch to remind her of the time nang mapasulyap sya dito.
Dali-dali syang nagpa-alam sa ama na sinabayan naman ni Lucas.
Lucas went to get the Rover, pinark nito iyon sa harap. He went inside again to help bring the cake out. They delivered the cake sa Julie’s at doon na ito kukunin ni Mrs. Mercado.
“Let’s go to Baguio.” Yaya naman sa kanya ni Lucas ng makasakay sila ulit sa sasakyan.
“Wala ba kayong schedule ni Kuya?”
“Nope.” mabilis nitong sagot.
Hindi na sya nag tanong pa. Hindi nya na rin inisip pa if it’s a date or what. She doesn't want to complicate whatever is happening between them. Nagpayakap na sya dito, She let him kiss her neck. Maybe labels will just complicate their situation.
“Let’s eat Puto Bumbong sa Solibao.” yaya niya kay Lucas. And they found themselves sa may Burnham park, waiting for their order sa Solibao restaurant na naroon.
Hinila sya ni Lucas palapit and inakbayan. Tiningala nya ito and patay malisyang nakatingin daw ito sa nagluluto ng puto bumbong. Kinurot nya naman ito ng pino sa bewang. Tumawa lang ito sa ginawa nya.
They spent most of the morning walking around Burnham park after eating. Lucas naturally picked up her hand and interlaced their fingers. Kumain din sila ng strawberry taho, strawberry ice cream. They even rented a bike.
They were back at the farm before lunch.
“Saan na naman kayo galing?” pang iintriga na naman ni Niam.
“Nag date.” si Lucas ang sumagot.
“Hala! Grabe sila o.” Hinila na ni Lucas si Niam para mailayo na ito. Nilingon naman ni Lucas si Lexie. “Bye, Babe”
“Bye, Babe,” panggagaya naman ni Niam kay Lucas. Nakangising nilingon din si Lexie.
.
.
.
They almost made a routine already.
Lucas will always go for a morning run at laging sabay nag brebreakfast ang dad nya at si Lucas that she just joins later.
Nasundan pa ang paglabas nila. Merong nagyaya si Lucas to see BenCab Museum and then lumabas din sila to visit Northern Blossom. Minsan naman, they just spend the day sa kitchen lalo pag marami syang orders. Inikot nya din ito to see their farm. Namangha ito sa greenhouses and their coffee farm.
How she wished na bumagal ang oras pag kasama nya si Lucas. But the next she knew, halos matapos na ang bakasyon ng mga ito sa Benguet.
“Guys, why dont we go to Sagada.” Yaya ni Mark sa mga ito. “It’s quite a trip. Mga 5 hours pa din ang layo from here. But its really nice.”
Game naman ang lahat na sumama. Hindi naman sya nag react, Hindi nya alam if kasama ba sya doon. It was still their schedule.
Tumalikod na sya para bumalik sa kusina. “Hey” daling pigil ni Lucas sa pag-alis nya. “Sasama ka di ba?”
“Mmmm.” Hindi pa sya nakakasagot ng tabihan naman sya ng kuya nya at inakbayan.
“Pinagpa-alam na kita kay Mom and Dad.” Nakangiti nitong sabi. Sabay gusot sa buhok nya. “May utang ka sa akin.” baling naman nito kay Lucas.
Malapad namang napangiti din si Lucas. Si Niam naman ay biglang napa -awit “Two less lonely people in the world…” at parang baliw na tawa ng tawa.
Kinabukasan na ang byahe nila. Si Matt naman ang nag presentang mag organize para sa trip. Naglista ng mga kailangan dalhin. They will be staying for 2 days doon and they need to prepare food and kung ano pa.
Nagtanong ito kung sino ang gustong mag volunteer na mag grocery, mabilis naman nag volunteer si Lucas. He was just about to say he needs Lexie with him, nang nag presenta naman si Brenna na samahan ito.
He inwardly groaned. Napakamot batok na lang ito.
Si Niam naman ang ang presentang tulungan sya to prepare in advance any food na pwedeng ma-prepare.
Naghiwa-hiwalay na sila para umpisahan ang mga kailangang gawin.
Si Kuya nya brought the van to the service center for a routine check up, sinama nito si Matt and Jessica.
Naisip nya naman mag prepare ng Baby-back ribs na pwede nilang i-smoke and grill when they get there.
Abala sya sa pag huhugas ng karne when she felt someone hug her from the back.
“Babe, anong gagawin ko.” Si Lucas. He even rested his chin sa shoulder nya.
“Bakit ka nandito, you were supposed to do marketing di ba?”
“Nag volunteer si Niam. Mas gusto nya daw kasama si Brenna.” walang gatol na sagot nito sa kanya. And moved to wash his hands at inabot na ang hinuhugasan nyang ribs.
“Talaga?” Tanong nya pa ulit dito.
“Yes.” He confirmed with a straight face and without blinking.
Hindi nya na inungkat pa kung ano ang nangyari. But she knew that Brenna was expecting to do marketing with Lucas. Madalas nya itong napapansin naka titig kay Lucas and she felt na hindi nito nagugustuhan na laging sila magkasama.
Binuksan nya nalang ang ref to survey kung ano ang pwedeng nyang mailuto.
Meron pang shrimp doon so inilabas nya na.
“What will I do with these?” tanong nito sa kanya.
“Lilinisin.” and she gave him her sweetest smile. “Thank you.”
“Can I get Kuya Niam’s number? May ipapabili ako.”
“No.” mabilis nitong sagot. “Use my phone.” ito na ang naghanap ng name ni Niam at Inabot naman nito ang phone sa kanya. Mabilis naman syang nag type ng text message for Niam and sinend na iyon.
Ilang saglit lang at tumunog naman ang phone nito. Niam calling.
“Put him on speakers.”
She placed him on speakers.
“HI, kuya. Naka speakers ka.”
“Hi babe!” masiglang-masiglang bati nito.
Natawa naman sya sa pagbibiro nito. Nakakunot naman ang noo ni Lucas.
“Walang ganoong brand ng canned tomatoes. Ill send you pics ng kung ano ang meron”
“Okay.”
“May nakalimutan ka pa ba?”
“mmmm. Buy some raisins! Let’s bake raisin bread mamaya.”
“Yes, Babe.” pinalambing pa nito ang boses.
“Niam!” matigas naman ang boses na sabat ni Lucas.
Pero binaba na ni Niam ang call.
Aburido naman si Lucas. Natawa naman sya dito.
“It’s not funny.” Narinig nyang sinabi nito.
“Hey.” Lumapit naman sya dito and she cant help herself. She hugged him from the back. “Nagbibiro lang yun kasi ang pikon mo.” Hindi nya alam bakit kailangan nyang lambingin ito pero ginawa nya pa din.
Pumihit naman ito paharap. “Hug me one more time.”
Hindi na sya nagdalawang-isip and she went inside his arms and hugged him at the waist.
She felt him kiss her neck. Isa, dalawa, tatlong dampi ng lips nito.
“Enough na.” sabay kurot niya sa bewang nito.
“Aw. Aw. Aw. Ang hilig mo talagang mangurot.”
“Kasalanan mo naman eh.” natatawa nyang sagot dito. At bumalik na sa kailangan nyang gawin.
.
.
.
Naihanda na nila ang mga dadalhin bukas. They prepared them in containers at binalik pa rin sa ref. “We will just transfer them in the cooler bukas.”
They have also started smoking the ribs.
Nagawa nya na rin ang dough for the raisin bread.
Naisip nyang silipin naman si Lucas na nasa labas at binabantayan ang smoker.
Nag prepare sya ng fresh squeezed juice and sandwiches.
“Kain ka muna.” Inilapag nya iyon sa table na nandoon.
Nakangiti naman itong humarap sa kanya. “Pinapataba mo ata ako eh.” Sabi nito at lumapit. Dinampot ang sandwich. “Mmmm. What’s in here?”
“Pieces of smoked ham, strawberry and passion fruit jam, lettuce, cheese, carmelized onion” Nakapangalumbaba na tiningnan nya ang pagkain nito.
“Sometimes, I use BBQ sauce instead of the jam and just add a bit of honey for some sweetness. But that’s my favorite version.”
“it’s good. It’s really really good.” Malalaking kagat ang ginawa nito sa sandwich na paubos na sa ilang kagat pa lang. Patango-tango pa ito.
“Pag hindi mo ako itinira ng sandwich, mas lalaki pa ang utang mo sa akin.” Banta naman ni Niam kay Lucas who was about to pick his second sandwich.
“Nakauwi na pala kayo.” Bati nya sa paparating at nakasimangot na si Niam.
“Just barely.” he replied, and picked the sandwich na dadamputin na sana ni Lucas kanina.
“I’ll make more sandwiches.” Paalam ko sa dalawa.
“Two more, Babe” si Lucas.
“Ako din, dalawa pa.” si Niam.
Naiiling na lang sya sa katakawan nilang dalawa.
Pabalik na sya with 5 sandwiches and 3 more glasses of juice ng narinig nya si Niam.
“Make sure that lego set is delivered to my condo pag balik natin ng Manila.”
“Only if you can keep that girl away from me for the rest of the trip.” sagot naman dito ni Lucas.
Ano kaya ang pinag uusapan ng dalawa. Natahimik naman ang mga ito ng nakalapit sya.
They immediately grabbed a sandwhich pag ka lapag nya sa tray.
“May sandwich pa ba?” napalingon naman sya. It was her Kuya Mark and Matt na parating.
She heard Lucas and Niam groan. “Ang dami nating kaagaw.” si Niam.
“Alam nyo para kayong may mga alaga talaga.”
“No! It’s just good food.” sabi naman ni Mark at kinindatan pa sya.