Chapter 1

1543 Words
Author's Note: This novel contains graphic descriptions of s*x, if you are below 18 years old or you are averse to this, this novel is not for you. THIS IS A LONG READ. WORD COUNT: 325000 And to those who would choose to read this story, I would love to hear your thoughts. Please leave a comment. Hope you enjoy it!! THIS STORY IS BEING EDITED. Chapter numbers may be confusing but this is complete . . . “Huwag matigas ang ulo and huwag kang pasaway sa kuya mo when you get there.” Paalala ng mama ni Lexie. Pang-ilang beses nang sinabi ni Em y'on sa anak. Lexie was moving to Manila at doon siya magco-college. Hinihintay lang nilang matapos maikarga sa sasakyan ang mga gamit nito. “We will be sending your allowance through your Kuya.” “Ma, why not to me directly? Kaya ko naman pong mag budget.” Lexie said, sabay kapit sa braso ng mommy niya. Naglalambing. “We will send it to you when we see how you do. And not because wala kami doon at baka hindi ka rin gaanong mabantayan ng kuya mo, it does not mean na pwede kang nang magpagabi or mag lamyerda sa kung saan.” Never ending na ata ang pagpapa-alala ni Em sa anak. But the smile just wouldn’t leave Lexie’s face. “Hindi, Ma. Magpapaalam pa din ako sa ‘yo.” Sabay kiss sa magkabilang pisngi ng Mommy niya. She also hugged her tight. She moved to her dad, and she kissed and hugged her dad too, “Magpapaalam pa din ako kay Daddy.” She said softly. Lumapit na rin si Em sa kanyang mag-ama and hugged them both. Nangilid ang luha ang luha niya. It was the first time that her baby daughter will be away. “Esmeralda, para namang ang layo ng Manila. We can always visit.” Biro naman ni Ed when he saw his wife na parang iiyak pa ata. Her mom let go and held onto her daddy’s arms. Hinalikan naman sya sa noo ng daddy niya. “Mag-iingat ka, anak. Don’t forget your meals. Huwag magpupuyat dyan sa baking-baking na yan. And call us always.” “Yes, dad.” Lexie looked at her mom who had her head sa braso ng Dad niya. Doon pa ata nagpunas ng luha. “Ma-mimiss ko kayo.” Nangilid na din ang luha niya. Dali-dali niyang hinalikan din ang mom niya sa pisngi at sumakay na sa naghihintay na Everest. Sinilip pa ni Lexie sa side mirror ang mga magulang habang papalayo na sila. Her dad had his arms around her mom at mukhang umiyak na nga nang tuluyan ang mommy niya. Hagud-hagod sa likod ng daddy niya na parang inaalo. Sunod-sunod siyang napa buntong-hininga. Nakatingin lang siya sa labas ng bintana. Habang tumatagal ang byahe, bumabalik na ulit ang excitement niya. Hindi niya na rin maiwasang isipin how her life will be sa Manila. She will be staying with her kuya and she expected that it will be so much different than high school. Also, Mark will not be as strict as her parents, kaya niyang lambingin when she will need something. “Kasama mo naman ang kuya mo. Hindi ka masyado ma ho-home sick. Huwag mong kalimutan laging tawagan ang mommy and daddy mo,” sabi ni Mang Jimmy. Para niya na ding tatay si Mang Jimmy. Nagtratrabaho din ang asawa nito sa kanila na taga luto at driver naman si Mang Jimmy. Since she started going to school, hatid-sundo na nito si Lexie. “Opo, hindi ko po kakalimutan.” Napangiti naman si Mang Jimmy. May kaya man ang pamilyang Valdez. Hindi nito minsan man naramdamang ibang tao silang mag-asawa sa mga ito. “Magpahinga ka muna. Limang oras pa ang byahe natin kung papalarin na hindi tayo matraffic sa Edsa.” Her family hailed from Benguet. Halos 40 minutes pa sila from Baguio. At Baguio to Manila normally takes 3-4 hours. Maingat na ni-recline ni Lexie and back rest at nagpasyang umidlip muna. Hinaugot niya ang dalang malapad na scarf sa bag at ikinumot iyon. Sinuot niya din ang shades para hindi siya masilaw sa araw. Dahil marahil sa hindi siya nakatulog nang nakaraan gabi sa excitement, madali siyang nakatulog at parang pakiramdam niya noon ata siya napagod. Ilang ulit siyang ginising ni Mang Jimmy para mag stop over for toilet breaks at kumain. Pagka-balik sa sasakyan ay balik tulog din sya. Pagkarating sa condo building ni Mark ay dumiretso na si Mang Jimmy sa basement parking area. Agad ding tinext nito si Mark para sabihing dumating na sila. A short while later, two, tall and good looking guys ang lumabas sa elevator. One guy was wearing a blue shirt and naka cargo pants, chinito, at halatang palangiti. Si Mark. Kuya ni Lexie. Mag se-second year sa kursong medicine sa bubukas na pasukan. Matanda ito ng limang taon kay Lexie. Beside him was his best friend, Lucas Montenegro. Same course and year. Tall, tanned, wavy hair and dark brown eyes. Nagpalinga-linga ang dalawa looking for the SUV. Bumaba at kumaway si Mang Jimmy sa dalawa. “Mang Jimmy, kumusta ang byahe?” Tanong ni Mark while approaching. He clasped manong around his shoulders and patted his back. “Kumusta kayo?” “Gumagwapo ka ata nang gumagwapo, hijo ah.” “Syempre naman po. Wala ata sa lahi natin ang pangit.” Tatawa-tawang sagot naman ni Mark. “Saan na ‘yong prinsesa?” palinga-linga pa ito sa likod ni Mang Jimmy hinahanap si Lexie. “Tulog pa. Di ko muna ginising. Akala ko matatagalan kang bumaba.” Sinilip nga ni Mark ang passenger seat at naaninag niyang may tao pa doon. Lumapit siya at binuksan ang pinto. Lexie was in deep sleep, She had a travel pillow around her neck and was hugging her favorite stuffed toy. Her sunglasses were askew. Mark snickered. “Sarap ng tulog nito ah.” Pabulong niyang sabi at parang naghihintay ng sagot kay Mang Jimmy. “Hindi siguro ;yan nakatulog kagabi sa excitement, kaya ayan knocked out.” ani Mang Jimmy. Mark took off Lexie’s sunglasses at ipinasok sa maliit na backpack na nasa paanan nito and kissed her on her forehead. “Welcome, Princess.” “Let her sleep. I-akyat na muna natin ang gamit nya.” At nagpunta na sa likod to take out his sisters’ things. “Pare, maiwan ka na muna dito. Dalhin na muna namin ‘tong ibang luggage niya. Pakibantayan at baka mawala.” Natatawa pang biro nito. Kasama si Mang JImmy, inakyat na nila ang ibang gamit ni Lexie. Lucas was left alone with Lexie. Lumapit siya sa nakabukas na pinto ng sasakyan and stared at her closely. As if he was memorizing every line, every dip, and shape of her face. God! He missed her and he couldn't believe she was there. Hindi niya napigil and he moved his face closer and gave a kiss near the edge of her lips. He can feel her warm, soft lips na tumama sa gilid din ng labi niya. She smelled like strawberries. How he wished he could kiss her lips. He wanted to capture those rosy lips, but he wanted their first kiss na maalala ni Lexie. Stealing friendly kisses this way was better, nangingiting naisip niya. Inulit niya ang halik sa kabilang side naman ng lips ni Lexie. Napakislot ang dalaga. She moved and changed her position facing more to the open door kung saan nakadukwang si Lucas. Like she was asking for more? This girl should never be left alone kung ganito to ka mantika matulog. Naisip ni Lucas. He has stolen two kisses and she did not even wake up. She looks beautiful. She has dark, well-shaped eyebrows, matangos na ilong and he knows those eyes kahit nakapikit. Chinita, just like Mark. She has full, rosy lips. He can imagine biting into it. And he knew that when she smiled, one deep dimple showed up on her left cheek. She was so sweet. And just as he predicted, she grew up to be such a beautiful lady. She moved again and this time, her hand moved to her neck. Pinalis ang buhok na nakadikit to her neck. She started to sweat at kanina pa nakapatay ang sasakyan, and the parking lot was also not that cool even in this early evening. Before she fully woke up, Lucas moved again and gave her nose a quick kiss. Lexie scrunched up her nose, she moved her hand and scratched her nose. Natawa naman si Lucas. That’s when Lexie slowly opened her eyes. Pagmulat niya, she saw dark brown eyes intensely looking at her. “Wake up, sleepyhead” Oh my God! “Kuy - Kuya” She saw irritation in his eyes. Nawala din ang ngiti sa labi ni Lucas. “I am not your brother, you know. Just Lucas.” Wala sa sarili naman napatango si Lexie. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin. She did not expect Lucas here. Lucas. Her first crush. She first met him that summer before her third year in high school. Two years ago. Isinama ito ng kuya niya sa probinsya nila one summer vacation.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD