DUMERETSO ako ng banyo para magpalit ng damit. Hinubad ko agad ang suot kong blouse. Nalalagkitan na ako dahil sa pawis ko kanina. Pero nang makita ko ang shower ay parang nahalina ulit akong maligo. Medyo humupa na ang kaba ko. Wala naman palang gagawin si Jass. Siguro naisip niya, may point din naman ako. Na kung hindi nangyari itong kasal namin, malamang hindi ko kabit si Dino. Dahil totoong nagmamahalan kami. Siguro na-realize niya na rin, na pampagulo lang siya sa amin. Na isa siyang malaking hadlang sa aming relasyon. "Hmmp! Sana pabayaan niya na lang ako sa mga gusto kong gawin." 'No. This will not be the last time...' na makikipagkita ako sa 'boyfriend' ko. Wala naman akong pakialam sa kung ano mang iisipin ng ibang tao. Wala naman silang alam sa kuwento ng buhay ko. Mahalaga ma

