"MA'AM, pinapatawag na kayo ni Sir Jass sa baba," sabi ng katulong matapos ng ilang ulit na katok. Kalalabas ko lang no'n sa banyo after maligo. Sa haba ng tulog ko, hindi ko namalayang madilim na pala. "Opo, susunod na ako," sabi ko. Binilisan ko na ang pag-aayos. Wala naman akong koloreteng inilagay sa mukha. Tinuyo ko lang ang aking buhok saka bumaba na ng hagdan. Dumeretso ako sa kusina kung saan daw naghihintay si Jass. Medyo ilang pa ako habang naglalakad palapit sa kaniyang gawi. He was looking straight at me. At sa mga titig niyang iyon, pakiramdam ko, tinitingnan niya ang nakahubad kong katawan. Nai-intimidate akong masyado. Hindi siya nagsalita nang makalapit na ako. Pinaghila niya lang ako ng upuan malapit sa tabi niya. "You may all leave now," wika niya sa mga katulong.

