Chapter 19

1604 Words

I TOOK a sigh of relief. Tulog na raw si Jass at ngayon nga'y nakalagpas na ako ng kaniyang silid. Hindi ko na binuksan ang ilaw at dere-deretso lang akong naglakad patungong kuwarto. Tutal, saulado ko na naman ang mga pasikot-sikot doon. Nang nasa tapat na ako ng pinto ng aking silid ay agad ko iyong binuksan. Kinapa ko ang switch ng ilaw. Ngunit muntik na akong mapasigaw nang tumambad sa akin si Jass na prenteng nakahiga sa kama ko. Masama ang tinging ipinupukol niya sa akin. "Buti naman naisipan mo pang umuwi," malamig ang tono niya na halos magpanginig sa buong kalamnan ko. Hindi pasigaw ang pagkakasabi niya ngunit ramdam ko ang galit niya. Hinihintay niya ba ako? Bakit? "N-Nag-OT ako. K-Kita mo naman kanina, ako ang in-charge sa buong araw." Sinikap kong huwag kabahan pero hindi

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD