Isang malakas na sampal ang gumising kay Sam. Nag-aalalang mukha ni Joy ang kaniyang nabungaran. Ipinikit-mulat niya ang mga mata at huminga nang malalim. "Ano bang nangyayari sa 'yo? Sigaw ka nang sigaw ng... Rick ba 'yon? Hoy!" hinampas nito nang marahan sa braso ang natutulala pa ring si Sam. Napapaismid naman sa likuran ni Joy si Trixie. "Hoy, puwede ba? Maaga ang pasok ko bukas. Kung gusto mong mag-inarte, lumabas ka na lang kasi hindi kami makatulog sa 'yo." At inis na sumampa na ito sa pang-itaas na double deck. At hindi na nag-abalang sulyapan sila dahil padabog itong tumalikod para matulog na. Ngumiti naman nang tipid si Joy sa nakatulala pa rin si Sam bago pinatay muli ang ilaw at nahiga sa kaniyang higaan. Hindi man lang gumalaw mula sa pagkakatingin sa kisame si Sam. Nangin

