“Sigurado ka bang dyan ka matutulog?” tanong ko kay PJ paghiga niya sa pull-out bed ko. Pagkatapos kumain ng masarap na hapunan, una akong naghilamos habang nagliligpit siya sa kusina. Sunod naman siyang nag-ayos ng sarili. Samantalang nagpunta ako sa kwarto at nag-ayos dito. Iba ang kwartong tulugan ko sa kwarto kung saan ako nagpipinta. Kaya naman mas maayos at malinis ito kung ikukumpara ang dalawa. Inihanda ko na sana ang kama para sa aming dalawa ni PJ. Kaya nagulat ako nang mas piliin niyang matulog sa pull-out bed. Ako pa ang mas dismayado ngayon dahil gusto ko sana siyang makatabi sa kama para makatulog kami nang magkayakap. Ganito rin ang nangyari nung nasa bakasyon kami kasama ang mga kaibigan namin. Sa pull-out bed din siya natulog. Pero minsan naman na kaming nagtabing m

