“Iaree, ikaw na lang ang umintindi at magpasensya sa ugali ng Kuya PJ mo ha?” “We know he can be hot-tempered, but he’s a good person. Hindi ka niya pababayaan.” Ito ang natandaan kong sinabi sa akin nina Tito Albert at Tita Ada nang tumawag sila sa akin kagabi pagka-deliver ng mga gamit ko rito sa condominium. Kahit na kung tutuusin ay pitong taon ang tanda ni PJ sa akin, parang ang dating ng mga sinabi nila sa akin ay ako pa ang mas matanda ngayon. Syempre ay kahit gusto ko sanang sumagot o magdahilan man lang ay hindi ko ginawa. They’ve only shown me kindness all my life, ayoko namang lumabas na walang utang na loob. May mga pagkakataon namang na-appreciate ko si PJ. Kagaya na lang noong nagtawag siya ng magbubuhat ng mga paintings at gamit ko pataas sa unit niya imbes na pababa

