Ako ang hindi nakatulog. Nakapikit lang ako pero gising na gising pa rin ang diwa ko. Parang narinig ko pa nga ang pagkilos sa kusina at maagang pag-alis ni PJ. He could have left without a word, but he didn’t. Na-guilty tuloy ako nang makita kong may umagahan pa rin siyang iniwan sa lamesa para sa akin. May kasama pa itong note na kung tutuusin ay hindi naman na kailangan: May pasok ako ngayong umaga. Ang bigat ng pakiramdam ko nang maupo ako sa dining table. Kaharap ang mga pagkaing amoy pa lang ay paniguradong masarap na, inihilamos ko ang dalawang kamay ko sa mukha bago nangalumbaba. Sa totoo lang ay hindi ako nakatulog kagabi dahil sa pagtatalo namin ni PJ. Napaisip ako sa mga sinabi at ikinilos ko sa kanya. Nagsisi ako sa karamihan. I know I was hurt but I could have been m

