I wouldn’t last here for another hour. Parang binibiyak ang ulo ko dahil sa tunog na ni-loop ni Marina. That b*tch wouldn’t stop playing a car’s loud screeching noise. Wala yatang ibang laman ang kanyang playlist. Sana ay nakapagtanong man lang siya para nagbigay ako ng ibang suggestions. Masakit ito sa tainga at nakakarindi dahil paulit-ulit din nitong ibinabalik sa akin ang nangyaring aksidente. Kaya naman maging ang puso ko ay nagdurusa sa mga oras na ito. Nakadagdag pa sa paghihirap ko ang pananatili sa kwarto kung saan marami akong alaala kasama ang mga magulang ko. It's indeed mental torture. Ngunit ang hindi alam ni Marina, dahil sa ginagawa niya ay nagiging manhid lang ako. I had to cry earlier to release the pain and stress but it didn’t last. Mas tumitindi lang ang kagustuha

