Tumatak sa akin na ube cake lang ang kinakain ni PJ, hindi lang dahil sa kwento nina Tita Ada at Tito Albert. I have my fair share of memory with ube cake and PJ that I think I will treasure forever. May matamis na pangyayaring hinding-hindi ko makakalimutan noong isang beses akong pinayagang magpunta sa bahay ng mga Valderrama dahil birthday ni Tita Ada. Ito ang unang beses na hindi ako tumakas para makalabas ng bahay – ang unang beses na kinilig ako kay PJ. Tanda kong maraming handa noon dahil ang kaarawan ni Tita Ada ay itinuturing na malaking okasyon ng pamilya. Hindi lang isa ang cake ni Tita Ada, may red velvet, chocolate, at syempre hindi mawawala ang ube cake. Paboritong apo si PJ kaya talagang isinama ang flavor na ito sa handa. Kadalasan naman daw ay napagtatabi ng cake si PJ

