And I have another man in my life. Denver James come on stage anak. Kanina ko pa ito napapansin na malungkot ang hitsura. Nagulat pa siya ng tawagin ko ang kanyang pangalan. Ang batang ito ay nakita ko na bagong silang na pinagkakaguluhan ng mga aso sa isang basurahan. Dinala ko sa bahay namin. Nagdadalawang isip pa si papa na kupkupin dahil wala nga kaming makain ano pa kaya ang ipapakain namin sa sanggol. Pero sabi ko inaalagaan mo ako kaya aalagaan ko rin siya. Gusto kong malaman ng buong mundo na ikaw Denver James Clarkson Ramirez ay tunay kong anak. Ang sinapupunan na kumalinga sa'yo ay pansamantala mo lang tirahan sa loob ng siyam na buwan at sampong araw. Ako bilang ina mo ay gagabay sa'yo ng habangbuhay. Alalay sa bawat pagsisikap mo. Maging sandalan mo sa kalungkutan at problema

