“Chel, let's wait for the result. Meryenda muna tayo sa canteen,”anyaya niya. Bakit mo ginagawa sa akin ito? “I also don't know. It's like their something prompted me to do this to you,”sagot naman niya sa tanong ko. Pagdating namin sa canteen dinala niya ako sa harap ng counter para pumili ng makakain. “Anong gusto mong orderin na pagkain? Pumili ka na, libre ko,”sabi nya. Naku huwag na busog pa naman ako. “Magkaroon pa ako ng utang sa'yo mahirap na. Ang perang naitabi ko ay pambili ko pa naman yun uniform at sapatos ni Dodong,”anas ng isip ko. “Wala ka bang nagustohan na pagkain?” “Ipinaglihi din sa kakulitan ang isang ito,”anas ng isip ko. Juice nalang ang sa akin, ikaw nalang ang kumain dahil mukhang hindi ka nag-almusal sa bahay ninyo. Doon nalang kita hihintayin turo ko sa ba

