Sakay kaming lahat sa private ship ng mga Della Torres. Ang sarap talaga kapag ang mga kaibigan mo ay piloto o di kaya'y kapitan ng barko. Dahil sa mga talento ng ninong nila ang dami na tuloy pangarap ang panganay kong anak. Parang hindi ko yata kaya na mawalay sa anak ko. Napakabata pa ng anak ko para lumayo sa piling ko. Parang kahapon ko lang kanlong-kanlong iyon eh. Pero kung iyon ang makakabuti sa kanya sige ipapaubaya ko. Ang triplets ni Afsheen sa akin nga niya ipinagkatiwala ng lubos. Syempre ipagkakatiwala ko rin sa kanya ang anak ko. “Get ready everyone malapit na tayo sa daungan.”....captain Afzalian Della Torres inform us. Naputol ang aking pagmumuni-muni sa pag-imporma ng kapitan. Natanaw ko na rin silang lahat na nag-aabang sa daungan. Ngiting-ngiti ang mga mumunting bubuy

