Sunday ngayon at off ko sa trabaho kaya naisipan kong magsimba at ibili ng bagong uniform at sapatos si dodong. Gagamitin ko muna iyong naitabi kong pera para sa gamit niya sa school. Niyaya ko rin si papa na sumama sa amin pero ayaw daw niyang sumama dahil may gagawin siya. Pa, alis na po kami ni Dodong. “Sige anak mag-iingat kayo at huwag masyadong magpagabi,” Opo! “Dodong huwag kang humiwalay sa mama mo,” habilin ni Papa sa apo niya. “Opo lo, at ibibili kita ng burger,”sabi naman ng anak ko. “Naku huwag kang magastos masyado, baka maubusan ng pera ang mama mo,”sabi ni papa. Naglalakad na kami para mag-abang ng masasakyan. Agad namang may huminto na kotse. Sino pa ba eh di ang manyakis kong boss. “Magsisimba kayo? Sakay na para sabay na tayo,"sabi niya. Nagsisimba ka rin pala? “Ang

